CHAPTER 31

2131 Words
Chapter Thirty One His Other Side I see hate in Davida's eyes when she saw me go with Zuriel. Dalawang oras lang akong nakatulog dahil hindi na napakali ang utak ko sa gagawing pag-e-enroll at pag-aaral. I've never been inside a university at mas lalong wala akong balak mag-aksaya ng panahon doon pero wala na rin akong magawa. Mabuti na lang at kompleto ang mga pekeng papeles na dala ko't kakailanganin para sa pag-aaral. I told Rave about it and he laughed at me. I understand. Kahit ako ay tatawanan ko rin ang sarili ko dahil do'n pero sa ngayon ay wala akong dapat gawin kundi ang sundin si Zuriel at kunin ang loob niya. Tingin ko ay hindi rin naman ako masyadong mahihirapan dahil kahit paano ay alam ko na ang mga galawan niya. He may be tough and unbreakable, but I know his weakness. I may not be his dead wife Lucy, but I'm sure sapat na ang kung anong mayroon ako para maging isa sa kahinaan niya. "You've gone mad." Si Rave sa kabilang linya matapos ang ilang oras na proseso sa pag-e-enroll. Zuriel never left my side. He's actually at the cafeteria waiting for me. Nagpaalam lang akong magbabanyo at kahit na ilang ulit ko nang ipinagtabuyan ay hindi ako iniwan. He said he cleared all his schedule today just to accompany me. "That man gone mad!" Pigil ang inis kong reklamo. "Ano? will you help me?" Hindi nawala ang tawa niya. "Can you just tell him that you're gifted and doesn't need all that?" "Gusto mo bang bumalik akong luhaan sa La Spieza? You assigned me this and it's you I should hate!" bumuntong hininga ako't pilit na kumalma. "Please? help me? I don't want to f*****g study Rave. I'm sure you have your ways. Pangako six months tapos na ako huwag mo lang akong pag-aralin ulit! Just help me get high grades and we have a deal." "I'll see what I can do." Napairap ako sa kawalan dahil dinig ko pa ring nababaliwan siya sa akin. He's laughing at me being miserable. Alam rin niya kasi na noon pa ay mas paborito ko ang mga pisikal na pagsasanay kaysa sa mga lessons at normal na pag-aaral. I hated it, I still do. "Just please?" "Fine, Tasiana." Doon lang gumaan ang paghinga ko. "Alright. I'll call you later." "Good luck." he said using a playful voice. Imbes na ma-stress sa kanya ay pinatay ko na lang tawag. Bago ko pa iyon maibalik sa bulsa ay tumunog na ulit ito. Some unknown number is calling me. Sinagot ko. "Hello?" "Are you done? We're leaving. Meet me at the car." wala sa sariling napalunok ako ng marinig ang pagmamadali sa boses ni Zuriel. His call was unexpected enough kaya nagmadali na rin ako. I already got what I needed at I'm sure Rave wouldn't let me down kaya hindi ko na rin inisip ang tungkol sa pag-aaral. "Uuwi na ba tayo?" Umiling siya at hindi ako nilingon, nanatili lang ang mga mata sa daan. "I need to do something in the office." "S-sa bahay?" paniniguro ko dahil kung sa opisinang pinagta-trabahuan niya mismo kami pupunta ay malaking tulong iyon sa pag-usad ko. Will I witness something great today? May kikitain ba siyang malaking tao? I couldn't help, but be excited with the idea. "No. We'll go where I work. Saka na tayo kakain ng tanghalian pagkatapos." "Isasama niyo ako sa opisina ninyo?" "I don't have any choice. You're with me now. How's everything? What course you're going to take?" pagbabago niya sa usapan. "International travel and tourism." hinalungkat ko ang mga papel na galing sa unibersidad na papasukan ko. I passed the examination I took for all three courses, but I decided to pursue tourism. I'm always mesmerized about new places. It has been my dream to travel the world kahit pa alam kong malabo iyong mangyari kahit pa nasa labas na ako ng La Spieza. And even though I'll have that freedom, hindi ko pa rin lubos maisip na lalayo ako sa kanila. Valados Alcatraz saved me from everything. Sila ang humubog, sumuporta at nag-alaga sa akin and they're my family now. With that, I don't think I can ran away from them. I won't leave them, too. "You wanted to become a flight attendant?" "Kung papalarin." He nodded. Nang mahinto sa traffic light ay nagkaroon siya ng pagkakataong tignan at basahin ang mga papel na hawak ko. His eyes widened when he saw my perfect score. "You've answered all the questions right." namamangha niyang bulalas. "Hindi naman sa pagmamayabang pero basic lang naman lahat." Umangat ang isang gilid ng labi niya habang tutok pa rin ang mga mata sa hawak. I'm sure he's amazed by me now, but I meant it when I said that I find every question basic. Sa totoo lang ay mas maraming mga matatalino ang hikahos sa buhay. Even though the tables have turned for me now, I still came from nothing. Naging matalinong hikahos rin ako noon. I can't help but to smile bitterly at the thought. I think the world will be so much better if everyone has the same opportunity as mine. We would have enough brilliant lawyers, teachers, doctors and every profession serving our countrymen. Kung mabibigyan lang ng tama at sapat na pagkakataon ang lahat ay tiyak na uunlad kahit paano ang bansa, mas lalo ang pamumuhay ng maraming Pilipino. "Right. Let's see how bright you are when the first semester is done, or if you can even finish one." "Gusto niyo ba talaga akong subukan?" Ibinalik niya sa akin ang mga hawak na papel nang maging berde na ulit ang traffic light. "Just do what you gotta do and we'll be fine. It's for you afterall." Ngumiti ako. Naninibago pa rin sa magaan niyang pakikitungo sa akin pero ayaw kong magreklamo. This is only the calm before the storm. Pagbibigyan kong kilalanin ang ganitong side ng pagkatao niya para naman maging pantay sa mga kasamaang una ko nang nalaman sa kanya. "Thank you ulit, Sir Zuriel. Tatanawin kong malaking utak na loob ang pagkakataong ito at pag-iigihan ko." "Good to hear that." "Sabihin niyo lang kung paano ako makakabawi sa inyo." Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang marahas niyang paglunok dahil doon pero hindi na nagsalita. Nang makarating kami sa kanyang opisina ay inasahan ko nang iiwan niya ako sa lobby pero hinayaan niya akong sundan siya hanggang sa penthouse, kung nasaan ang kanyang opisina. Ito ang kauna-unahang building ng mga Razgov. It's a forty storey building. Marami namang mga tenant pero kalahati ng establisyimento ay para lang sa kanyang mga negosyo. Tahimik akong naupo sa isang upuan nang tuluyang makapasok sa penthouse. It's big, but it's almost an open space. Puro glass walls at doors lang rin kaya hindi nakaligtas sa mga mata ko ang kwartong nasa kabilang dulo ng silid. "Do you want something?" tanong niya matapos maupo naman sa kanyang swivel chair. "Okay lang. Busog pa naman ako." Tumango siya pero nagpadala pa rin ng mga pagkain para sa akin. I let him do his thing with his computer. Hindi niya ako pinuna nang tumayo ako't lumapit sa isang cabinet na naroon where some of his trophies were displayed. Some where from his university. He's a a basketball MVP. Maging sa chess ay magaling ang lalaki base sa ilan pang trophy na nabasa ko. Tiningala ko ang mga nakasabit na awards rin sa dingding. The place doesn't have much different in his house pero ni isa sa mga ito ay wala roon. Pasimple kong sinulyapan pa ang buong paligid. The penthouse has everything. Mayroong pool table, malaking receiving area, dining, kitchen, a conference room at sa labas ng mga babasaging dingding ay may natanaw akong swimming pool na gawa rin sa salamin maging ang sahig. I haven't been into his room, but now I had the glimpse of it. Nahinto ako sa pagsipat nang dumating ang isang babaeng dala ang isang malaking tray na puno ng pagkain. Napabalik ako sa pagkakaupo sa couch nang ilapag na nito ang lahat sa coffee table. Zuriel did not budge even when the girl left. Imbes na istorbohin ay tahimik na lang akong kumain kahit pa sa katahimikan niya ako mas nadi-distract. I watched him pop his knuckles after ten minutes of staring straight on his laptop. "Ayaw mo bang kumain? Mag-aalas dos na." Sumandal siya sa kanyang swivel chair matapos akong lingunin. Buong puso akong ngumiti at pagkatapos ay inangat ang hawak na blue cheese at shrimp toast. Nahihiya kong naibaba iyon nang wala siyang ginawa kundi ang pagmasdan lang ako habang masayang-masayang kumakain. Nauuhaw kong inabot ang tubig nang bumalik siya sa lamesa at ipinagsalikop ang mga kamay habang ang seryosong mga mata ay nakatuon pa rin sa akin. Like looking at me was enough to ease his hunger. "Don't eat too much. Kakain tayo sa labas pagkatapos ko." "Kaya ba ayaw mong kumain?" "I'm alright." Ngumiti ako at tumayo sabay kuha nang tray at lapit sa kanya. Kusang nabuwal ang mga kamay niya roon nang tuluyan na akong makalapit. "Nakakabusog na 'to at masama ang magpalipas ng gutom kaya ito na lang ang kainin natin." Kumuha ako ulit ng shrimp toast ay nakangising inilahad sa kanya. Kahit na mukhang walang balak kumain ay pinagbigyan niya ako. Agad kong binawi ang kamay nang makuha niya ang tinapay dahil ayaw kong maramdaman ang init ng kanyang balat. "I'll be done in a minute." "Okay lang kahit matagal. Busog na rin ako rito." umalis ako at sa pagbalik ay dinalhan naman siya ng tubig. "Do you want anything else?" "No, thank you." I smiled at him again. Doon nga yata siya busog na busog. Maya-maya ay tumayo siya at pagkatapos ay kinuha ang isang upuang nasa harapan ng kanyang lamesa para ilagay sa gilid at paupuin ako. "Hindi ba kita maiistorbo?" inosente kong tanong kahit na pabor naman sa akin ang mga nangyayari. He's being so gentle with me now and I kind of like the attention. Mas malapit siya sa akin ay mas magandang pangitain para sa misyon ko. Sinaluhan ko siyang kumain at nakuntento na lang sa panunuod sa kanyang maging abala sa trabaho. I can see that he's being troubled with what he's working on kaya nang matapos ako ay hindi pa rin niya magawang bitiwan ang kung anong trabaho. Bumalik na lang ako sa couch at hinintay siyang matapos. Dahil wala pa akong masyadong tulog ay hindi ko na namalayang nakaidlip na ako. Napadilat lang ako ng madama ang mainit na kamay na humawak sa aking braso. Nagising ako kaagad pero hindi ko ipinahalatang gising na ako. Muli lang akong pumikit dahil naaninag kong si Zuriel lang naman iyon. I remember where I was. Pinigilan kong mapasinghap nang maramdaman ang kanyang pagbuhat sa aking katawan. Walang hirap niya akong inahon sa couch at dinala sa kung saan. Nagtatalo ang utak at puso ko habang patagal ng patagal na dama ko ang kanyang init. Napansin kong madilim na sa labas dahil sa mga nananatiling bukas na kurtina pero mukhang hindi pa rin siya tapos. I remained my eyes closed kahit pa nagtutumalon ang puso ko sa loob ng aking dibdib lalo na ng maramdaman ang malambot na kamang pinaghigaan niya sa akin. Maingat niya ring ibinalot ng kumot ang katawan ko and all I could do is pray that I'd stay still! Parang gusto ko na kasing magsisisigaw lalo na't ang kamang ito ay alam kong totoong tinutulugan niya! What else should I discover here? Umikot ang aking tiyan nang akala ko'y iiwan na niya ako pagkatapos akong ihiga sa at kumutan, pero sunod ko na lang naramdaman ang magaang paglapat ng kanyang kamay sa aking pisngi! Hindi ko na kailangan pang idilat ang mga mata para lang makita kung ano ang ekspresyon niya. I knew he's looking at me as if he's looking at her. He's being gentle and all that because he still sees Lucy in me. Hindi ko na napigilang mapalunok nang sunod kong maramdaman ang paglapat ng kanyang mainit na labi na masuyong humalik sa aking noo! Looking like his dead wife is a big advantage, but being actually treated like it is a curse! I don't know why he did that at mas lalo akong nababaliw dahil alam kong matino ang utak niya ngayon! Saka lang ako nakahinga nang maluwag ng maramdaman ang kanyang paglayo. Idinilat ko kaagad ang mga mata at nakita siyang naglalakad na pabalik sa kanyang lamesa. What are you up to Zuriel? Why are you treating me like this? Are you playing an ace, too? Are you competing this game with me? Is it really game on? Ilan sa nahihibang na tanong ng aking utak hanggang sa tuluyan na siyang makabalik sa kanyang opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD