CHAPTER 30

1707 Words
Chapter Thirty His Proposal Aside from all my theories about a love triangle, wala na akong iba pang makuhang sagot kung bakit ayaw niya akong lumapit kay Symond. Kung sabagay, simula nga naman nang araw na nag-usap kami sa opisina niya ay hindi na rin pumunta ang lalaki at alam kong siya ang may pakana no'n. Pinilit kong ipirmi ang muling pagtataasan ng mga balahibo ko sa katawan nang muling maalala ang mga sinabi niya nang araw na iyon. Yes I can consider giving him my virginity pero ang magkaroon ng anak sa kanya? He must be crazy! I will never carry anyone's child, especially his. The Razgov's clan will end with him along with his evilness. Ang mga taong gaya niya ay hindi na dapat magparami. Kung pwedeng ngayon ay puksain, dapat ay aksiyunan na kaagad. Nahinto ako sa paghithit sa aking sigarilyo nang makarinig ng mga yapak palapit sa aking gawi. It's too late to throw it away dahil alam kong nakita na rin ako nang kung sino mang bampirang gaya ko'y gising pa rin sa mga oras na ito. Walang pakialam kong ipinagpatuloy na lang ang paninigarilyo kahit na sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko na siyang nakatayo ilang dipa ang layo sa akin. Ito na lang ulit ang unang beses na nakalapit siya sa akin ng ganito sa loob ng ilang araw na ni hibla ng buhok niya ay hindi ko ginustong makita. Inilapag niya ang bote ng alak sa lamesa at prenteng naupo roon. Kahit na tahimik ay alam kong pinapanuod niya ako. I came here to clear my mind, but with Zuriel staring at me, mas lalo lang dumaragdag ang mga dapat kong isipin! Nagmamadali ko nang inubos ang yosi at agad itong itinapon sa malapit na trash bin. Taas noo akong naglakad papasok pero hindi ko pa siya nalalagpasan ay nagsalita na siya at agad hinuli ang atensiyon ko. "Join me." he said, more like an order than an invitation. "No thank you, sir–" "Sit." he cut me off before I could even finish my sentence and move another step. Kahit na alam kong hindi dapat dahil marami pa akong kailangang isipin ay pinagbigyan ko siya. "Do you drink?" kaswal niyang tanong habang sinasalinan ang nag-iisang basong dala. "Hindi masyado." "Just smoke, huh?" I tasted some curiosity in his voice, tumango lang ako. Ibinigay niya sa akin ang basong sinalinan ng alak pero nalaglag lang ang mga mata ko doon. "Kukuhaan ko na lang kayo ng panibagong baso sa loob." "No need." aniya sabay walang ano-ano'y tinungga ang boteng hawak. Dahil doon ay wala na akong nagawa kundi ang kunin na lang rin ang alak sa harapan ko. It has been a long time since I drink whiskey. I'm not really a fan of it, but I already tasted Dalmore 62 in Rave's office. Iyon ang hawak ni Zuriel. It's a rare whisky and very expensive, too. Mayroon lang iyong isang dosenang bote sa buong mundo at ang presyo ay mas mahal pa sa buhay ng dating Anastasia ranging from ten million a bottle and maybe more. I had so many questions about it. Kung si Anastasia Zavŭrshil lang ang kaharap niya ay baka malayo na ang narating ng usapan namin tungkol doon pero dahil si Tasiana Sandoval lang ako at kanyang simpleng maid ay hindi ako pwedeng magtanong. Nang mapansin ko ang bahagyang paniningkit ng kanyang mga mata sa walang hirap kong paglunok ng matapang na alak ay agad akong nagkunwaring natatapangan sa ininom. Kunwari pang binitiwan ko't hindi agad inubos para hindi niya naman mahalatang sanay ako sa mga ganitong mga bagay. "How does it taste?" he asked while still staring at me intently. "Matapang." He nodded slowly at that. Sinakyan ko na lang rin siya. Hindi ako nagsalita at hinintay lang siyang sabihin na ang pakay dahil alam kong napakarami niyang gustong sabihin ngayon sa akin. "Since you're here, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I want you to be ready tomorrow. For sure you have all your files with you? I.D's and all that?" Napatuwid ako ng upo dahil sa narinig at agad naalarma. "Po? " "We'll go to the university tomorrow so I need you to prepare all your documents." "University?" parang umangat ang alak na nilulon ko dahil sa narinig. What the f**k will I do there? He chug the bottle of whiskey again and then place it in the table, ang mga mata ay tuluyan nang ibinalik sa akin. "Kung gusto mong mag-aral then I'd be happy to accompany you enroll. Kahit anong kurso ang gusto mong kunin sasagutin ko." "W-what?" "Look Tasiana, we may have start off on the wrong foot but I get it. Hindi mo na kailangang isipin ang inalok sa 'yo ni Symond dahil kaya ko ring ibigay iyon. You'll continue working for me and you can have whatever you want." Kahit na nababaliwan ako sa usapan ay nanatili akong kalmado. I just can't believe that he'd say that lalo na't hindi maganda ang huling pag-uusap namin tungkol doon at lalo na sa lalaki. "Sir, hindi na kailangan pa dahil hindi naman na ako aalis." "I insist. Symond is right. You still have a great future ahead of you and it's not too late to turn your life around. Let me help you." Doon na ako tuluyang nabaliwan. Is it really Zuriel that I'm been talking to? Mukha naman siyang matino pa at kaunti pa lang ang naiinom pero seryoso? Tutulungan niya ang isang maid na gaya ko sa pag-aaral? Kailan pa siya nagkaroon ng simpatya sa ibang tao? "At anong kapalit? Will I be your goddamn w***e?" I mocked him, agad siyang napaiwas ng tingin dahil sa sinabi ko. Napalunok ako sa agarang pagtayo niya. "You'll do nothing in return and please just think about it before you say no." Hindi ko na pinigilan ang pag-ngisi. Nakikita ko na naman kasing nagagalit siya. "Fine," tumayo na rin ako para pantayan siya. Inabot ko ang baso at nanatiling nakatitig sa kanyang inubos 'yon. I lick my bottom lip after I emptied the glass. "Pinapatawad ko na kayo sa pagsigaw niyo at pagalit sa akin." I added. He scoffs sarcastically at that. "This is not an apology, Tasiana." "Hindi niyo na kailangang magpaliwanag," matamis ko siyang nginitian. "Thank you Sir Zuriel. Hindi lang dahil rito kundi pati na rin sa pagtatanggol niyo sa akin noong nakaraan sa kaibigan ninyo. Sorry kung matigas ang ulo ko pero tanging paliwanag lang naman ang kailangan ko sa lahat ng bagay. Wala naman na akong hihilinging iba. Gusto ko lang na maging patas ang lahat. Transparency." "Right." His answer is like music to my ears. Hindi naman pala gano'n kahirap pakibagayan ang lalaking ito at mas lalong tiyak na gagaan na rin ang lahat lalo na ang paglalapit namin at ang tuluyang pagpasok ko sa buhay niya. Bumalik ako sa pagkakaupo. Sinipat ko ang kanyang upuan kaya napabalik na rin siya. Inilapit ko ang aking baso at kahit na may pag-aalinlangan ay sinalinan niya ulit iyon. "Let me just remind you that we'll go early later." "Hindi ako madaling malasing." "Really..." "Ikaw ang dapat huminto na. Ilang beses na kitang nakitang nalasing at lahat ng 'yon ay hindi maganda ang kinalabasan." Muli siyang nabaliwan sa sagot ko. "I'm fine, Tasiana." "Dapat lang naman po siguro." Namayani ang katahimikan sa pagitan namin matapos iyon. Him drinking silently while looking at me at ako na sinasagot pa rin ang mga katanungan sa isip kung siya nga ba talaga ang nasa harapan ko. "Pwede po bang magtanong?" untag ko matapos ang mahabang katahimikan. "It depends." "Ipangako mong sasagutin mo muna ako kapalit ng pagsabi ko sa kung ano talaga ang nangyari sa ating dalawa sa guest room." Nakuha ko ulit ang buong atensiyon niya. "Alright." He answered. "Lucy. She's your wife right?" "How did you know about that?" "Symond told me. Naitanong ko na rin 'yon kay Miss Davida kaya hindi mo na kailangang itanggi. Pwede ko bang malaman kung paano siya nawala?" Mabilis na nag-igting ang kanyang panga matapos bumitiw sa akin sa pagtitig. "Sir Zuriel, alam kong wala ako sa posisyong magtanong o kahit kausapin kayo ng ganito, pero gusto ko lang malaman dahil alam kong malaki ang pagkakahawig ko sa asawa ninyo. Alam ko rin na kaya kayo ganito sa akin ay dahil kay Lucy. Kaya lang naman kayo nagiging mabait at hindi ako tinanggal dahil doon, tama?" Hindi siya kumibo. "Gusto kong makilala si Lucy para maiwasan mong maisip siya sa akin dahil magkaiba kami at kahit kailan ay hindi ako magiging siya." "You'll never be like her, I already knew that." seryoso niyang sambit na kahit ayaw kong aminin ay naapektuhan ako. "But it's still not the right time to talk about my wife. I'm not even sure if I should talk about her with you." "You should," napalunok ako at pinilit na mag-tagalog para sagutin siya. "Nang gabing iyon ay siya ang nakita ninyo sa akin. Hinalikan ninyo ako habang patuloy na sinasambit ang pangalan niya. Kahit na hindi ako magiging si Lucy, alam kong imposibleng hindi niyo siya maisip sa akin kaya kailangan kong malaman kung anong klase siyang tao para magkaroon ako ng ideya kung paano ilalayo ang imahe niya sa akin..." Marahas siyang napalunok dahil sa narinig. Walang takot kong inabot ang kanyang kamay na nasa lamesa at marahan iyong pinisil. I was expecting him to pull his hand away from my touch, but he didn't. "So you can finally move on," I continued. "Magiging malaking utang na loob ko sa inyo kung talagang tutulungan niyo ako sa pag-aaral ko at dahil doon ay hayaan niyo rin akong tulungan kayo. Sabihin niyo lang kung ano ang kailangan niyo at gagawin ko. Makikinig ako kapag handa na kayo. I'll be here for you, Sir Zuriel..." pagpapatuloy ko sabay ngiti ng matamis sa kanya dahilan nang walang pag-aalinlangan niyang pagtango at pag ngiti rin pabalik sa akin. And that's how you play the game! Nagbubunying hiyaw ng utak ko. I know I won this time and I'm not even playing with a strong card. I just played good and I'll keep playing this way until I taste the final victory and be finally done with him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD