CHAPTER 29

1666 Words
Chapter Twenty Nine  The Game Zuriel is just like any human being here on earth. Sa kabila ng matigas niyang pagkatao at personalidad ay mayroon pa rin siyang kahinaan. I know and I personally witnessed that when all his guards were down. Kahit na wala pang tulog dahil sa pag-asikaso kay Zuriel ay nagawa ko pa ring bumangon bago magising ang lahat. Habang nasa hardin ay kinuha ko ay aking telepono. I logged in into my own mission website at in-access ang listening device na kasalukuyang nasa opisina pa rin ni Zuriel. I left it the first time I cleaned his office at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam na naroon. Ilang beses ko mang sinubukang pakinggan ang data na nakolekta sa mga nakaraang araw, pero bukod sa tunog ng kanyang keyboard ay wala na akong napala. He doesn't talk and no one calls him whenever he's working. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba o talagang gano'n ang siste. Noon namang bumisita si Symond ay wala rin silang napag-usapan kundi tungkol sa party at mga ilang babaeng hindi ko na pinakinggan. Sa ngayon, ang tanging pinaka-mahalagang nalaman ko lang ay ang kanilang Shenzhen deal. Aside from that, I got none. Bigo kong binitiwan ang aking telepono at sandaling natulala. Nag-isip kung ano ang sunod na hakbang. Hindi ko na rin alam kung ano talaga ang gagawin lalo na't tiyak na ang tanging maaalala ni Zuriel ay ang galit niya sa akin bago siya malasing ng sobra. I doubt if he'll remember what happened inside the guest room. "Tasia," napatayo ako't agad na itinago ang aking telepono sa pagdating ni Ate Susan. "Po?" Kunot noo kong tanong nang makitang gising na rin siya. "Pinapatawag ka ni Sir Zuriel." "Po?" "Oo nasa opisina na. Ang aga nga eh. Mukhang nahimasmasan na naman." Mas lalong nalukot ang noo ko. He's already up? Bakit parang sa tuwing nalalasing siya ay mas maaga siyang nagigising? Hindi ba dapat kabaliktaran 'yon? "Sige na at baka umakyat pa pabalik ang alak sa utak!" Napangiwi ako pero agad na rin siyang sinunod. Kabado akong naglakad papunta sa kanyang opisina. Today is the day I'll play my first ace to this game. Kung magagalit siya sa akin dahil sa hindi ko pagsunod sa utos niyang iwasan si Symond ay bahala na. Kumatok ako sa pintuan ng kanyang opisina. Awtomatiko iyong bumukas ilang segundo lang ang lumipas. Pinigilan kong makaramdam ng kahit anong emosyon nang makita siyang prenteng nakaupo sa harapan ng kanyang lamesa at buhay na buhay na. Bago na ang kanyang damit, bagong ligo at fresh na rin at wala nang bakas ng kahinaang nasaksihan ko ilang oras lang ang nakakalipas. "Pinapatawag niyo raw ako?" Walang takot akong lumapit hanggang sa matapat mismo sa harapan niya. Parang gusto kong mabaliwan ng makita ang baso ng alak na hawak niya sa isang kamay imbes na kape iyon o kahit anong pampakalma. "Sir?" untag ko nang hindi siya sumagot. "Sit." he commanded but even when I followed him, hindi pa rin siya nagsalita. Hindi ko tuloy alam kung lasing pa ba siya, nananaginip o pinaghahandaan lang sabihin na tanggal na ako sa trabaho dahil sa hindi ko gustong pagsunod sa mga walang dahilan niyang utos. If I did not see him so weak three hours ago, baka nagmakaawa na ako kaagad sa kanya huwag lang niya akong alisin rito, pero hindi ko iyon gagawin ngayon. I'll play my card now. Tumikhim ako pero nanatiling nakatikom ang kanyang bibig kaya agad na akong nagsalita. "Naiintindihan ko kung hanggang ngayon nagagalit kayo sa akin dahil sa hindi ko pagsunod sa utos ninyo, pero kung aalisin niyo ako sa trabaho dahil lang doon hindi po ba masyadong unfair para sa akin?" Doon lumipat ang titig niya sa akin, pero mukhang wala pa rin talagang balak na magsalita. Nakatuon lang ang matalas niyang mga mata sa aking mukha, hindi ko makuha kung ano ang nasa isip o nasa tama pa ba ang takbo ng utak. "Sir Zuriel–" "Did something happened?" he cut me off. Natigil ako't nalito sa kanyang tanong na malayo sa inakala kong pag-uusapan namin. "P-po?" Inangat niya ang hawak na baso at inubos ang natitirang lamang alak, kumukuha ng lakas rito sa kung anong pakay kaya ako pinatawag. "I mean may nagawa ba ako sa 'yo kagabi?" Pinigilan kong mapangisi sa narinig. Oh, he remember. "Na ano po?" nagmaang-maangan ako. Nagbubunyi ang utak ko lalo pa't sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang kabahan. My ace... I'm playing it right now Zuriel so just fold. "Did we had s*x or something? Did I take advantage of you?" Nalaglag ang mga mata niya sa aking mga labi ng sadya ko iyong iawang. "Hindi mo ba talaga maalala?" I see him swallowed hard at that. Hindi ko na mapigilang mapangisi kaya iritado siyang napamura. "Just f*****g tell me, Tasiana." "Pinatawag niyo ako para lang alamin kung may nangyari sa ating dalawa kagabi?" Hindi siya sumagot. "Paano kung mayroon Zuriel? Pananagutan mo ba ako? Aayain mo ba ako kaagad ng kasal?" nababaliwan ko nang litanya. Hindi ako makapaniwalang parang napaka-big deal sa kanya no'n eh hindi ba't iyon naman ang gusto niyang mangyari all these time? To f**k me? Agad siyang nag-iwas ng tingin. Nawala ang mapanuyang ngisi sa labi ko dahil sa pagtayo niya't muling pagbalik sa lamesang may mga alak. Nagsalin siya at uminom ulit. "Did I f**k you or not?" marahas niyang ulit habang nananatiling nakatalikod sa akin. "Hindi mo talaga maalala?" tumayo na rin ako at naglakad palapit sa kanya. It's funny to see him so pissed. Parang mananalo talaga ang alas ko ngayon. "Stop," pigil niya nang hawakan ko ang kanyang balikat. Bahagya siyang gumalaw pero hindi ako tumigil sa pang-iinis. "Paano nga kung talagang inaakit ko kayo? Hindi mo ba matatanggap kapag sinabi kong nagtagumpay ako kagabi?" Pinagapang ko ang kamay pababa sa kanyang likod pero hindi pa iyon tumatagal ay agad na siyang pumihit para hulihin iyon! Hindi ako natinag kahit pa muli kong nabanaag ang galit at itim sa pagkatao niya. Dahil naawa na ako't baka umiyak na naman siya ay marahas ko nang binawi ang kamay ko. "I won't tell you what happened pero hindi na rin siguro 'yon mahalaga dahil kung tatanggalin mo ako ngayon, okay lang. Hindi na sasama ang loob ko sa 'yo kahit na hindi iyon patas para sa akin dahil mas matimbang ang offer ni Symond kung siya ang pagsisilbihan ko at–" "What the f**k did you just say?" nagugulantang niyang bulalas. Hindi pa siya nakuntento. Hinigit niya pa ulit ako sa braso kaya mabilis nang nag-igting ang aking panga. "Lasing ka na naman ba at hindi mo lang nakuha ang mga sinabi ko o ayaw mo lang iyong intindihin?" wala nang pakialam kong singhal sa kanya. "Are you really trying to piss me off?" "Anong gagawin mo kung oo? Zuriel, tingin ko iyon na lang rin ang dapat mong gawin. Para hindi ka na magalit o mag-isip pa, fire me." "At sinong nagsabing aalis ka rito?" Good job, Anastasia... Bulong ng utak ko. "Bakit ayaw mo ba akong paalisin? Hindi ba 'yon ang dahilan kaya mo ako pinatawag? O hindi mo na itutuloy dahil ayaw kong sabihin ang lahat ng nangyari sa 'tin kagabi?" muli akong ngumisi para asarin siya. "Natatakot ka bang ilayo ko ang kung anong mabubuo nating dalawa?" Humigpit ang hawak niya sa aking braso pero imbes na mapangiwi ay pinilit kong kumawala na lang sa kanyang pagkakahawak. Itinulak ko siya at agad na naglakad palayo. "Fine. Para sa ikapapanatag mo, walang nangyari sa pagitan natin kaya malaya ka nang tanggalin ako sa trabaho ano mang oras mo gusto!" He scoffs sarcastically at that. Bumalik ako sa upuan at hinayaan siyang huminga muna dahil sa mga inilahad ko. "And you'll work for Symond? Iyon ba kaya matapang kang mawalan ng trabaho ngayon?" "Bakit hindi? Hindi lang trabaho ang in-offer sa akin ni Symond. Sinabi niya ring pag-aaralin niya ako–" "In exchange of being his goddamn w***e?!" Malakas niyang sabi at pang-iinsulto kaya ako naman ang na-offend. Napatayo ako ulit at hinintay siyang pantayan ako sa kabilang banda ng kanyang lamesa. Pinigilan ko ang sariling kwelyuhan siya't tuluyan na talagang sakalin dahil sa kanyang panunuya. "I wont terminate your contract just because someone offered you something more, Tasiana." "Ang sama ng ugali mo!" singhal ko, galit na galit kahit na ang totoo ay alam kong dapat akong magbunyi sa pagka-panalong ito. I knew he will not terminate me. Imposibleng gawin na niya iyon lalo na dahil sa mga sinabi ko ngayon. Inasahan ko na rin naman, pero hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit gano'n na lang ang pagbabanta niya tungkol kay Symond gayong malapit niya itong kaibigan. Umikot siya para muli akong harapin. Sa paglapit niya ay itinulak ko siya kaagad. "I-terminate mo na ako! Gusto kong magtrabaho kay Symond at wala na akong pakialam sa 'yo! Ayaw na kitang pagsilbihan!" Nahigit ko kaagad ang paghinga nang mahuli niya ang kamay ko't agad na namang hinila palapit sa kanyang katawan. Nag-iigting sa galit ang kanyang panga nang salubungin ang aking paningin habang hinihigpitan ang braso sa pagkulong sa aking katawan! "You will never work for anyone except me, Tasiana," mariin niyang pagbabanta habang ang mukha ay ilang pulgada na lang ang layo sa akin. I felt my nerves genuinely shaken when his gripped tightened more around my waist. As if he was claiming me as his, pero mas ikina-kaba ko ang mga salitang sunod na narinig sa kanyang mga labi. "Simula ngayon ay hinding-hindi ka na pwedeng lumapit sa lalaking iyon at bilang boss mo ay wala kang magagawa kung hindi ang sundin ako sa ayaw at sa gusto mo dahil mas gugustohin ko pang patulan ka at buntisin kaysa hayaang umalis rito at pagsilbihan si Symond!" maawtoridad niyang hiyaw na nagpayanig sa mga tuhod ko! Fuck it Zuriel! Ako ba talaga ang nanalo o ikaw ang may gawa ng larong ito?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD