Chapter Seventeen
His Mansion
Wala pang araw ay gising na ako. I dyed my hair black. Binawasan ko rin iyon hanggang sa balikat at nagsuot ng itim na contact lens para matakpan ang natural na kulay brown kong mga mata.
Matapos ang ilang sandali ay nag-ayos na ako. Isang simpleng puting bestida ang napili kong isuot at puti ring doll shoes. Hindi ko mapigilang mabaliwan habang sinisipat ang sarili sa salamin.
I looked like the old Anastasia. Plain, innocent, and weak. Sa gayak ko ngayon ay mukhang hindi mahirap paniwalain ang mga taong makakasalamuha ko na galing ako sa isang malayong probinsiya at naghahanap ng swerte sa Maynila.
I always find that phrase stupid. Manila is a cruel place. Magulo, polluted at masalimuot. Ang pinagkaiba lang, maswerte ang mga tao rito dahil mataas ang sahod hindi gaya sa probinsiya na mayroong mas mababang rate pero ang gastos ay parehas lang naman. The government takes advantage of the people. No wonder yumayaman lalo ang mga mayayaman at patuloy na naghihirap ang taong sadlak sa buhay.
People had no choice, but to work harder. And even when they do, they're still going to end up in the same slum. Not because they lack in effort, but only because most of the government officials are selfish as f***s.
I wonder if these corrupt officials sleeps peacefully at night knowing that their expensive bed, extravagant home and even the exquisite food they eat came from the pockets of those innocent people who died everyday playing fair in life.
Ilang henerasyon na ba tayong ginagago ng mga taong ito sa gobyerno? Ilang henerasyon pa ba ang magpapakagago para mapunan ang bulsa ng mga hinayupak na politikong ito?
Sa tuwing naiisip ko 'yon ay pinipilipit ang tiyan ko. Nakakasuka ang mundong ito. Kung sino pa iyong dapat protektahan ay sila pa ang inaabuso.
People are evil. Tama ang pinanggalingan ko at maswerte akong sinanay kaming pagtiwalaan lamang higit sa lahat ang aming mga sarili. That's the truth. In order for you to really survive this world, you have to put all your trust in yourself and no one else. Dahil sa huli ay ikaw lang rin ang hihila sa sarili mo sa kung ano mang putik ang kasasadlakan mo.
I stare at my reflection, but this time, mas nakikita ko ang hinubad kong sarili na hinulma ng Valados Alcatraz. The woman I built. The one I trust the most and the one I'm so proud of.
Wala sa sariling lumabas ang ngiti sa aking mga labi at agad iyong tinanggal. I tried looking innocently in front of the mirror. I haven't practice much since my Vtora days, but I still got it.
Tahimik pa sa lugar nang umalis ako. Isang jeep ang pinara ko patungo sa aking pakay at kahit na wala pang araw ay sinuong ko ang tahimik na daan kung saan kami susunduin mamaya at ihahatid sa mansion ng mga Razgov.
There are only three of us, I was told. Hindi ko alam kung paano nagawa ni Rave na maipasok ako dahil ang kinukuha ng mga ito ay iyong marami ng experience, pero kung ano man 'yon ay ayaw ko na ring alamin.
"Tasiana Sandoval." Iyan ang pangalang gagamitin ko sa mansion ng mga Razgov.
I've had a lot of names in mind, but since this is my first mission, ayaw ko munang lumayo masyado sa pangalan ko. That way, hindi ako mahihirapang lumingon kapag tinawag na ako ni Zuriel... kung magkikita kami.
"Nice to meet you. Ako naman si Aurora," pakilala sa akin ng babaeng una kong naabutan doon.
"Ako rin. Kinakabahan po ako." sabi ko kahit na ang totoo ay mas lamang ang pagiging excited ko sa mangyayari. Totoo na nga talagang wala na ako sa La Spieza. This is really happening!
"Taga saan ka? Mukhang batang bata ka pa."
"Taga Davao po. Twenty four pa lang po ako. Kayo po?"
"Taga Samar naman ako," malambing niyang sagot. "Thirty five na. Bakit sa ganitong trabaho ka napunta? Hindi ka ba nakapag-aral?"
"Hanggang second year college lang po. Marami kaming magkakapatid tsaka mas okay na rin pong nakakatulong ako sa mga magulang ko." I continued lying, but I still can't help but to think of my real family.
Are they still looking for me? Hanggang ngayon kaya naiisip pa rin nila ako kahit na sinabi ko noon sa sulat na kalimutan na nila ako? Do they miss me?
Agad akong hinila sa kasalukuyan ng hawakan ni Aurora ang kamay ko.
Mabuti na lang at kontrolado ko ang aking reflexes dahil baka kung gaya ako ni Zoara ay nasakal ko na ito.
Sa aming apat ay siya kasi iyong mabilis madala ng emosyon. Masyado ring tamang hinala kaya noong training pa lang kami ay ilang beses niyang nasaktan si Elorae dahil sa palagi nitong panggugulat sa kanya.
"Gano'n ba. Sayang naman. Maganda ka at mukhang matalino. Wala ka na bang balak na mag-aral?"
"Wala na po sa plano. Sa ngayon po ay gusto ko na lang magtrabaho rito. Mabuti na nga lang rin po at sinwerte ako. Malaki ang pasahod ng pamilyang pagsisilbihan natin."
"Oo naman! Dito galing ang tiyang ko. Dahil matanda na ay ako ang pumalit. Maswerte siya kasi taon-taong nagpapalit ng katulong ang mga iyon pero kapag nagustuhan ang serbisyo mo ay pwede kang magtagal. Sa swerte niya ay siya pa ang naging mayordoma doon. Maayos naman raw at malaki kung magbigay ng bonus lalo na iyong si Sir Zuriel Razgov. Galante raw iyon, mabait at nuknukan pa ng gwapo!" humahagikhik niyang pagku-kwento dahilan para mapangiwi ako.
Sure he's handsome, but kind? Mabait ba iyong taong gumagawa ng masama sa kapwa nila? I don't think so.
"Talaga po ba?" kunwaring interesado kong tanong. "Gaano po katagal nagtrabaho ang tiyang mo sa mga Razgov?"
"Halos thirty five years rin iyon! Oo, Tasiana. Sobrang bait raw ng nag-iisang anak ng mga Razgov. Palagi niyang bukambibig iyon sa amin. Wala pa ito sa mundo nang magsimula siyang manilbihan sa mga ito at nasubaybayan niya ang paglaki. Matinong bata, walang bisyo, mapagmahal at napaka-masunurin sa mga magulang."
Nagpatuloy siya sa pagsasalita. Hindi naman nawala ang ngiti sa labi kong kunwaring nakikinig pero ang totoo ay lumilipad na ang utak ko sa kung saan. Totoo ngang masunurin siya lalo na siguro sa kanyang ama dahil kahit na mali ang ginagawa nito ay ipinagpatuloy pa niya. How ironic.
"Sayang nga lang at namatay raw ang asawa nito. Bata pa ng mabyudo."
Doon bumalik ang atensiyon ko sa kanya.
Wait, he is a widower?! Bakit parang wala naman iyon sa kanyang portfolio?!
"Byudo?!" bahagyang lumakas ang boses ko kaya muli niyang hinawakan ang kamay ko't agad na inilagay ang hintuturo sa kanyang bibig.
"Huwag kang maingay!" agad siyang nahinto, mukhang nabigla rin sa mga sinabi pero hindi niya na ako mapipigilan ngayon sa pagtatanong.
"May asawa si Zuriel?" Pabulong kong usisa.
"Huwag kang maingay!"
"Sorry! Pero totoo nga po?"
Agad siyang tumango.
"Bago umalis ang tiyang sa pagsisilbi sa mga ito ay ikinasal raw si Zuriel sa kanyang long time girlfriend, pero ilang buwan lang ang lumipas ay namatay ito dahil sa isang aksidente. Simple at tagong kasal lang iyon at pili lang ang mga nakakaalam. Hindi rin lumabas sa balita o kahit saan ang tungkol doon."
I swallowed hard at that. Nakaramdam ng kaunting simpatya para sa lalaki. He's too young to experience such tragedy lalo na't noong isang taon lang ay namatay na rin ang kanyang ina dahil sa breast cancer. Sa pagkakaalam ko ay tanging siya lang ang nasa bahay na pagsisilbihan ko dahil ang kanyang ama ay nasa ibang bansa naman nakatira.
"Nakakalungkot nga eh. Nasa tamang edad naman na siya para mag-asawa, pero iyon nga. Minsan talaga may mga bagay na hindi natin kontrolado kahit pa iyon ang gusto natin para sa ating buhay."
Napayuko ako at hindi na nakapagsalita. Ayaw kong makaramdam ng masyadong awa para sa lalaki kahit natural kong maramdaman iyon.
I don't know everything about him at wala naman akong panahon para kilalanin siya dahil narito lang ako para sa aking misyon. It was only to get all the details about the syndicate and its operations. Kapag naging successful ako ay alam kong hindi lang ako ang magbubunyi kundi pati na rin ang mga pamilya ng mga taong naiipit sa ganitong klase ng realidad.
Maya-maya pa ay dumating na ang dalawa pa naming bagong makakasama. Sa lahat ay ako ang pinakabata. Magkakaedad naman sila Ate Aurora, Susan at Tipas. Ilang sandali lang ay ipinasundo na kami sa driver ng mga nito.
Sa isang exclusive village nakalagak ang tahanan ng mga Razgov. Gwardiyado ang lugar ano mang oras, pero mas lalong naging mahigpit ang check point nang mapunta na sa lupang pagmamay-ari nito.
I left my gun at home, but I have my spyderco knife with me. Isa iyon sa mga naging paborito kong laruan noong training. It's strap and hided on my thigh using a knife holster. It's with me all the time, but even though I am not armed, kaya ko pa rin namang magpatumba ng kahit na sino.
I am one of the best in my class. Kung si Zoara at Dominika ay nag-excel sa foreign language, problem solving, strategies, kami naman ni Elorae ay sa ganitong linya mas magaling.
Pagdating sa mansion ay agad kaming sinalubong ng isang matandang babae. Ramdam ko ang pagka-intimidate ng mga kasama kong baguhan dahil sa mukha nitong walang emosyon at bahagya pang nakataas ang isang kilay pero dahil nasanay na ako sa mga gano'ng klase ng tao ay wala akong naramdamang kung ano.
Iyon nga lang, nang matitigan niya ako ay bigla siyang nahinto. Bahagyang nalaglag ang kanyang panga na tila nakakita ng multo at ilang beses na napalunok pagkatapos ay agad na namutla.
Wala sa sariling napalunok na rin ako at doon na tuluyang nakaramdam ng kung ano.
~~~~~~~~~~~~
GO TO MY w*****d ACCOUNT TO READ THE FULL STORY. w*****d: CENGCRDVA