CHAPTER 18

2127 Words
Chapter Eighteen The Man She Needed To Tame Wala sa sariling napalunok ako nang ilang ulit pa niyang pasadahan ng tingin ang aking kabuuan. Ang mga kasama ko tuloy ay hindi rin naiwasang titigan ako gaya ng paraan ng pagtitig niya. Kung hindi pa ako tumikhim ay hindi pa sila titigil sa pagsipat sa akin. "Anong pangalan mo?" agad na tanong ng matandang babaeng tiyak kong mayordoma sa bahay na ito. "Tasiana po. Tasiana Sandoval." magalang kong sagot. Pilit niyang inilipat ang tingin kay Ate Aurora kaya napasagot ito. "Ako po si Aurora Mar–" Hindi na niya naituloy ng agad kami nitong talikuran. Itinaas niya ang kamay at sinenyasan kaming sumunod. "Ako ang mayordoma sa pamamahay na 'to. Ako ang gagawa ng mga schedules ninyo sa trabaho maging ang inyong day off. My name is Davianda pero tawagin niyo na lang akong Miss Davida. Ang lahat sa pamamahay na ito ay ako ang may hawak. Kung may kailangan kayo o mga katanungan ay ako lang ang kailangan niyong tanungin at wala ng iba." Pumasok kami sa malaking sala. Mayroong mahahabang couch doon, malaking fireplace at TV. Mataas rin ang ceiling at mayroong chandelier pero moderno ang hitsura pero hindi gaya nang sa mansion. May mga sculptures rin sa pader pero dito pa lang ay malalaman mo nang lalaki ang may ari dahil sa disenyo at kulay na halos itim lahat. It's like a bachelors pad. Kung sabagay, bahay ito ni Zuriel at tanging siya lamang ang nakatira. He has a good taste though. Hindi ko pa man siya nakikita ay alam ko nang bagay ang lahat ng narito sa kanyang personalidad. Dark and evil. "Ito naman ang kusina. Ginagamit lang ito sa tuwing may bisita dahil mas gusto ni Zuriel sa hardin kumain ano mang oras ng araw," mabilis ang naging paghakbang ko dahil mukhang nagmamadali si Davida, o baka talagang wala lang siyang amor sa aming lahat. Dumiretso kami sa kabilang dako ng unang palapag hanggang sa mapunta kami sa patio. "Tuwing umaga ay dinidiligan ang mga halaman rito. Kapag wala ang hardinero ay kayo mismo ang gagawa no'n," pumunta kami sa pool. "Pinapalitan at nililinis ang tubig nito buwan buwan pero araw-araw kailangang tanggalin ang bawat duming napupunta sa tubig. Kailangan wala akong makita kahit isang lamok, maliwanag?" Tumango kaming lahat habang ako ay nababaliwan na lalo't para akong biglang natakam na maligo sa swimming pool. Kung sa La Spieza ay sawang-sawa ako sa pagsi-swimming, ngayon naman ay parang gusto ko na lang tumalon sa tubig! Init na init na ako at gusto ko munang huminga pero si Davida ay hindi naawat. "Ito ang library alam niyo na kung anong nangyayari rito pero hindi ibig sabihin ay may karapatan na kayong pumunta rito at mamalagi. Papasok lang kayo sa kwartong ito kung lilinisin ninyo, malinaw?" "Opo." sabay-sabay naming sagot ulit. Ilang beses akong naghikab dahil hindi ako interesado sa nangyayari pero nang mapunta kami sa opisina ni Zuriel ay parang nagising ang diwa ko. Papasok na sana kami para sundan siya, pero agad kaming napigilan ni Davida. "No one is allowed to enter here. Makakapasok lang kayo rito kung ipapatawag kayo ni Zuriel. Hindi rin ito pinapalinis ng basta. Tanging pahintulot lang ni Zuriel ang daan para makapasok sa silid na ito." she shove us out the room and then head upstairs. Sa haba ng hagdang inakyat namin ay hinapo ang mga kasama ko pero si Davida ay nanatili sa kanyang matigas na ekspresyon at malamig na pakikitungo sa amin. "Mayroong anim na kwarto dito sa itaas. Dalawa para sa bisita, tatlo para sa pamilya at ang isa ay ang kwarto ni Zuriel." We all stopped when she turned to face us. Bigla akong kinabahan dahil sa ginawa niya't pagtalon ng mga babae sa harapan ko. "Isa lang ang pinaka-bawal pasukin sa pamamahay na ito. Iyan ang kwarto ni Zuriel. No one enter his bedroom. Walang maglilinis, wala kahit ano. Nagkakaintindihan tayo?" Sweet... Muli akong naging interesado. Is that where he hid all his dirt? I know she said that it's forbidden to enter that room, pero mas lalo lang yata akong ginanahan sa naisip. Sampu ang CCTV na nakita ko sa ibaba maging sa poolside at hardin at dito naman sa taas ay anim na ang nakikita ko. I guess there's more at hindi na ako mapakaling pag-aralan ang bahay na ito. "P-pero paano nga po kung marumi na?" "Walang maglilinis, nakuha mo?" singhal niya kay Ate Susan. Agad itong natahimik sa naging sagot niya. Muli siyang tumalikod at nagpatuloy sa paglilibot sa amin. Bumagal ang mga paa ko ng matapat sa kwarto ni Zuriel. It's just a normal door. Mamahalin pero tingin ko ay kaya ko namang buksan kahit na walang susi. Inikot ko ang mga mata sa paligid. There's a CCTV pointed to his bedroom door. Ang tanong, mayroon rin kaya sa loob ng kwarto niya? Kung mayroon ay doon ako mahihirapan pero kung wala naman ay mas mapapadali ang mga plano ko. One week, give or take. Napangisi ako ng wala sa oras. "Tasiana, nakuha mo ba?" "P-po?" Inirapan ako ni Davida saka muling ipinaliwanag ang mga sinasabing kahit narinig ko naman ay hindi ko pa rin magawang intindihin. Bumalik kami sa ibaba pero ang utak ko ay okupado na ng aking misyon. Sa isang kwarto kami idiniretso ni Davida. "This is the maids quarter, ang sa kabila naman ay ang aking kwarto. Ito ang magiging tahanan ninyo sa pamamahay na ito." aniya sa isang silid na may apat na higaan. It wasn't that bad. Disente naman at mukha namang hindi inaalipin masyado ang mga kasambahay rito kaya okay na sa akin. "Dito ay pwede kayong mag-ingay at gumawa ng mga gusto ninyong gawin maliban sa magdala ng ibang tao rito. Bawal rin ang lalaki sa loob ng kwartong ito kaya kung mai-in love kayo sa hardinero o mga body guard ni Zuriel ay sa labas ng mansion ninyo ilabas ang lahat ng mga kalandian ninyo." diretsahan na niyang sabi. That made me wonder if his workers are good looking too. I know I'm into men, but I've never been attracted to someone that much. Siguro ay dahil bukod sa mga maestre ay wala pa rin naman akong masyadong nakakasalamuha na lalaki sa buhay ko. Ilang beses na nga naming tinangkang bisitahin ang Herzegovinia, pero dahil takot sila Elorae na mahuli ay hindi namin magawa-gawa. Doon kasi ay siguradong mga gwapo ang nakatira gaya nila Slavin. Isa pa, kahit na gano'n, we were always taught how to avoid love. Gaya ng sabi ni Milev Quebec, love will only hinders our mission. We were taught to be fighters to survive and not lovers. Dahil iyon ang mas matimbang sa lahat. "Kami lang po ba ang mga kasambahay rito?" tanong ni Ate Tipas, bumalik ang utak ko sa kanila. "On call ang iba. Kapag may mga malaking pagtitipon dito ay saka lang sila tinatawagan o di kaya naman ay kung mayroon kayong sariling agenda at hindi pwedeng magtrabaho. Ang isang taong kontrata ninyo ay pwedeng maging maiksi o mas matagal depende sa serbisyong ibibigay ninyo. Bago ko makalimutan, mayroong personal chef at trainer si Zuriel maliban sa mga bodyguard at makikilala niyo sila kapag umuwi na ang mga ito. May mga katanungan pa bang iba?" "Wala na po." Wala na ring nagsalita. Sa muling pagbalik ng mga mata sa akin ni Davida ay mas tumagal ang titig niya sa akin, parang may gustong patunayan na hindi ko maintindihan. Gustohin ko mang magtanong kung nagagandahan ba siya sa mukha ko o babae ang trip niya, pero ayaw ko namang mapurnada ang misyon ko kaya hinayaan ko na lang. "Ang laki at ang gara ng bahay na 'to! Kaya naman pala malaki ang sahod dahil malaki rin ang lilinisin! Mukhang mapapalaban ako rito!" si Ate Susan. Nagtawanan ang lahat at nakisabay na rin ako kahit pa ang utak ko ay parang gusto nang tumakbo pabalik sa itaas at buksan ang ipinagbabawal na silid doon! Kinagabihan ay ibinigay na sa amin ni Davida ang aming mga schedules. Tuwing Linggo ang day off ko. Tuwing linggo naman ang tanging araw na nananatili si Zuriel sa bahay. Dahil abala sa mga negosyo at ilegal na gawain ay tiyak na hindi na siya magkandaugaga sa schedule niya. Nakatoka ako sa paglilinis sa ibaba ng bahay sa buong linggo. Sa susunod naman ay iikot ang gawain ko sa paglilinis ng library at sa kusina. Naging magaan ang unang dalawang araw ko sa malaking bahay na iyon. Bukod kasi sa wala namang masyadong bisita, wala ring masyadong nagkakalat kaya kaunti lang ang lilinisin. Si Zuriel naman ay sa susunod pang linggo uuwi galing sa business trip sa China, pero tama lang iyon para maging pamilyar muna ako sa bahay niya. Sinaulo ko na ang lahat ng entry at exit points. Napag-aralan na rin ang gagawin kung sakaling makuha ko na ang mga kailangan ko. May mga gwardiya man sa lugar at buong village ay madali akong makakatakas lalo na kung may kasamang dahas ang gagawin kong pag-alis. Sa gano'ng posisyon ako naabutan ni Ate Susan. Nakatulala at malalim ang iniisip. "Uy! Anong iniisip mo diyan ha? Napagod ka ba? Magpahinga ka na at maaga pa tayo bukas." "Hindi naman po. May naisip lang ako." Humahagikhik si Ate Aurora nang maupo sa kanyang kama. "Naku, eh ayaw ngang paawat ni Tasiana sa paglilinis sa kusina! Pati sa guest room tumulong na rin kanina sa 'kin. Wala kang kapagurang bata ka." I smiled sweetly at them. Pumasok naman si Ate Tipas at nakisali na sa usapan. Mga simpleng bagay lang ang napag-kwentuhan namin. Mga tungkol sa pamilya nila. Ayos naman at masaya pero nang mapunta na sa akin ang topic ay parang bigla akong napagod. I had to lie to them in order for my mission to not be compromised. Naging kapani-paniwala naman ang lahat ng kasinungalingan ko kaya pare-parehas natahimik ang buhay namin. I woke up in the middle of the night. Alam kong nanaginip ako ng masama pero hindi ko iyon maintindihan. Basta uhaw na uhaw ako at pawis na pawis ng magising kaya minabuti kong lumabas para uminom ng tubig. Hindi naman na bago iyon. Noong nasa mansion pa ako ay madalas rin akong binabangungot, afraid that someone might kill me while I'm sleeping. Tahimik na ang buong bahay. Ilang ilaw na lang rin ang nakabukas. Matapos kumuha ng tubig ay hindi ko nagawang bumalik kaagad sa kwarto ng may makita akong aninong lumabas patungo sa pool area. Kinapa ko ang aking hita para kung sakaling mayroong tatalon sa akin ay handa ako. Maingat akong naglakad palapit at palabas doon pero wala akong nakitang tao. Isang malalim na buntong-hininga ang lumabas sa aking bibig ng maisip na baka praning lang ako ngayon dahil sa masamang panaginip. Just when I was about to walk inside the house, nakarinig naman ako ng mga yapak! Doon ko na dahan-dahang inangat ang suot kong puting bestidang pantulog ngunit bago ko pa makuha ang aking spyderco ay agad na akong nahinto ng makita ang isang bultong kasalukuyang nakatalikod sa akin habang may kausap sa telepono gamit ang mahinang boses. Hinayaan kong malaglag pabalik ang laylayan ng aking damit ng matanto kung sino ang nasa harapan. Kahit na sa susunod na araw pa ang alam ng lahat na kanyang pag-uwi ay alam kong siya na iyon. Hindi ko mapigilang mapasinghap nang walang sabi itong umikot at agad natigil sa pag-angat ng hawak na baso maging sa pagsasalita nang makita ako. I couldn't help, but to swallow hard when I finally face him. Akala ko ay alam na ng sarili ko ang salitang gwapo at tukoy na iyon, pero may sukdulan pa pala ang lahat sa pamamagitan ni Zuriel. He's hundred times hotter than all of his photos. Kahit na mukhang pagod at rugged ay napaka-kisig pa rin! Shit. Am I really admiring him right now? Hindi ko na napigilang mapakagat sa aking pang-ibabang labi ng mataman niyang suriin ang kabuuan ko at pagkatapos ay dalawang beses pang napalunok. Tuluyan na niyang naibaba ang lahat ng hawak habang sinisipat ako, hindi ko sigurado kung titig ba iyon na parang nakakita ng multo o titig na naka-jackpot dahil bakat sa damit ko ang aking dibdib at ang mga korona rito dahil wala na akong suot na bra. Either way, parang mas lalo akong hinapo nang umawang ang kanyang mapupula't basang labi gawa ng alak... So this is the great Zuriel Amenadiel Razgov. The man as ruthless as his name and as gorgeous as Brad Pitt and Tom Cruise combined. The man I needed to tame... and now I wonder, kaya niya nga kayang maging malupit sa akin? O magiging tulala na lang siya't tila gusto na akong sambahin hanggang sa matapos ko ang misyon ko rito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD