Chapter Nineteen
First Encounter
"S-sorry Sir Zuriel!"
"Who are you?"
Sabay naming pagsasalita. Sa pag-ihip ng hangin ay agad kong nayakap ang sarili ko, ngunit ang mga mata niya ay nanatili sa aking katawan. Tila namamangha pa rin sa nakikita.
"I-I'm Tasiana..." pigil ang kaba kong sagot dahil aaminin kong kahit paano ay talagang naaapektuhan ako sa kanyang presensiya. "I-isa po ako sa mga bago niyong maid."
Bahagyang nagdikit ang kanyang mga kilay at ang kaninang pagkamangha't pagkatulala ay agad nang napawi kasabay ng kanyang muling paglunok. Napalitan na ang kanyang emosyon ng isang mataas at matibay na barikadang agad pumagitna sa aming dalawa.
Ibinaba niya ang baso sa lamesa at pumihit paharap sa akin ng mas maayos.
"What are you doing here?"
I swallowed hard when he took a step towards me. Parang biglang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa ginawa niya. Agad kong ipinilig ang ulo at pilit na inalis ang kung anong nararamdaman na nagpapawala sa focus ko.
"Uminom lang po ako ng tubig."
"Wearing that?" nahirapan akong huminga nang muli niyang hagurin ang aking kabuuan.
I nodded slowly.
"N-naalimpungatan lang po ako at uminom lang kaso nakarinig po ako ng mga yapak hanggang sa mapunta ako rito."
Kahit walang malapit na ilaw ay malinaw sa mga mata ko ang pagrolyo ng mga bagay sa kanyang lalamunan.
Damn it, since when did a conversation gave me a hard time? Bakit ganito na lang ang nararamdaman ko ngayon? Sa lahat yata ay ang atraksiyon ang hindi ko napaghandaan. My heart is beating so fast. Gaya nang sa mga pelikula sa tuwing nakikita ng babae ang kanyang leading man.
Parang gusto kong matawa ng malakas sa naisip. Did I just think about cliché movies? Ngayong kaharap ko pa talaga si Zuriel? I must be crazy!
"Hindi ba dapat bumalik ka sa kwarto mo kapag tingin mo may masamang tao sa paligid mo?"
Ipinilig ko ang ulo ko para mas matitigan siya ng maayos.
"Are you bad?" I almost cursed when that question escaped my mouth!
Shit!
Tumalim ang kanyang titig sa akin, pero sa pagkakataong iyon ay hindi na gumalaw pa't nanatili na lang sa aking mga mata.
"What do you think, Tasiana? Do I look bad to you?"
Doon ako binalikan ng katinuan, muling umulit sa utak ko ang dahilan kung bakit ako narito ngayon. I can't f**k this up!
"H-hindi po," sabi ko sabay tanggal ng mga kamay sa aking katawan para lang maputol ang kanyang pagtitig sa akin.
Agad nag-igting ang kanyang panga sa ginawa ko, pero tagumpay naman dahil bumitiw agad siya ng titig sa akin pagkatapos ay agad nang tumalikod.
"Go back to your room."
"Yes sir. Welcome back po."
Hindi na siya sumagot. Ayaw ko pa sanang umalis dahil gusto ko pa siyang kilatisin pero alam kong marami pa namang pagkakataon para magawa ko 'yon at hindi ito ang tamang panahon kaya sinunod ko na lang siya.
I'm surprised that he's back early. Magiging delikado nang buksan ko ang mga silid na ipinagbabawal pero ngayong narito na siya ay pwede ko rin siyang gawing susi sa mga 'yon. It's will take some time, but it's not impossible.
Pagbalik ko sa kwarto ay agad akong dumiretso sa kama at binalot ng kumot ang aking buong katawan. It's too cold outside at nananatiling nagsisipagtaasan ang balahibo ko sa katawan sa isiping nakita ni Zuriel ang katawan ko sa unang araw pa lang ng aming pagkikita.
Though I'm very confident with my body dahil naituro namang lahat ng Valados ang pagpapahalaga rito, pero hindi ko pa rin maiwasang matablan ng hiya. He's the only guy who saw what's underneath my clothes. Nakakainis lang dahil ang taong iyon ay dapat kong kamuhian and I don't really know what to feel after our first encounter.
Kahit na maraming naiisip ay nagawa ko pa ring makatulog. Ako ang unang nagising sa amin gaya ng nakasanayan. I'm a light sleeper pero minsan ay binabangungot.
During our survival training, nasanay na akong isang tapik lang sa akin ay nagagawa ko na kaagad magising. Masyado akong alerto at mas lalo na ngayong nasa labas ako ng La Spieza.
"Good morning po Miss Davida!" Magiliw kong bati sa matanda na gaya noon ay halatang nagugulat pa rin sa tuwing nakikita ako araw-araw.
Isang tango lang ang isinagot niya sa akin.
"Narito na po pala si Sir Zuriel?" Sinundan ko siya ngunit agad nahinto sa paghakbang ng marahas niya akong harapin.
"At paano mo nalamang narito na si Zuriel?" Mataray niyang tanong.
Shit. I shouldn't have said that. I've been trying to do anything for her to like me, but I know it will not be easy. Masyadong dry ang buhay ng matandang ito. She doesn't like to talk to everyone especially me kaya nahihirapan akong kunin ang kiliti ng maagiw niyang utak.
"Wala pa po ba?" nagtanga-tangahan na lang ako.
Mas lalong bumakat ang mga wrinkles niya sa mukha, pero sa huli ay tinalikuran akong muli.
"Natutulog pa si Zuriel, pero mamaya paggising ay ipapakilala ko kayo. Ayusin niyo ang mga sarili ninyo."
Binilisan ko ang lakad para mapantayan siya.
"Tapos na po ako sa paglilinis ng kabilang sala. May kailangan po ba kayong ipalinis?"
"Tapos na ang lahat ng trabaho mo ngayong araw?"
Magiliw akong tumango.
"Maaga po akong nagising. Tinulungan ko na rin si Baldo sa paghahalaman kanina. Si Ate Aurora naman ay patapos na rin po sa living room."
"Tatawagin na lang kita kung may kailangan ako."
"Sige po." Hindi ko na siya sinundan nang pumunta siya sa laundry room.
Bumalik ako sa daan patungo sa library matapos kunin ang ilang panglinis.
Sinipat ko ang mga CCTV na ginalaw ko noong isang gabi para hindi ako makita kung sakaling susubukan kong buksan ang mga pinto.
Mabilis akong lumapit sa pintuan ng opisina ni Zuriel, sinundan ang tamang anggulo para hindi mahagip ng camera.
I pulled the pin on my hair and begin to unlock his door with it.
Everyone is busy today. Gaya nang sabi ni Davida, tulog pa si Zuriel at ang mga bodyguard naman nito ay hanggang labas lang naman ng kanyang bahay. Dahil isa ang lugar sa ipinagbabawal na puntahan ay minsan lang rin kung magawi ang mga katulong rito.
"Come on..." I whispered frustratedly when I couldn't open the door. Ilang beses ko nang sinubukan pero bigo pa rin talaga ako.
Tumayo ako nang tuwid at muling hinawakan at pinihit ang seradura.
I wonder how many locks does this door have? Gaya ng kwarto niya, hindi ko rin iyon mabuksan ng subukan ko. Sigurado na kasi akong narito lang sa dalawang kwarto na ito ang kailangan ko, but it's giving me such a hard time! Akala ko ay wala pang isang linggo ay magagawa ko na ang aking misyon, pero ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin ako umuusad!
Akmang susubukan ko na ulit iyong buksan nang may marinig akong mga yapak galing sa itaas. Agad ko iyong sinilip at hindi nga ako nagkamali. It was him!
Bagong ligo si Zuriel at nakasuot lang ng simpleng puting t-shirt at shorts na parang walang agenda sa araw na ito. Nang makitang papunta siya sa direksiyon ko ay nagmamadali kong kinuha ang mga gamit panglinis at agad na humanda sa gagawing plano.
Pinuno ko ng hangin ang aking baga bago umabante upang salubungin siya. Hindi ko napigilang mapangisi nang magkabungguan ang mga katawan namin sa pagpihit ko dahilan para malaglag ang mga gamit ko sa sahig!
Again, just like those stupid cliché movies, nasalo niya ako kaya hindi ako nalaglag kasama ang mga panglinis na hawak ko.
"S-sir!" Kunwaring kabadong-kabado kong sambit habang yakap-yakap niya.
Dahil sa pagkabigla ay bahagya rin siyang hiningal at hindi kaagad nakagalaw ng mahawakan ako.
His eyes fixated on my face. Akala ko ay pagagalitan niya ako dahil sa nangyari, pero nang napatutok ang titig niya sa aking mga mata ay parang biglang ayaw na niya akong pakawalan.
I can see longing in his eyes... sadness, misery...
Now I feel so dumb for doing such a stupid plan! Paano kasi, sa paglamlam ng mga mata niya ay totoong kaba na ang bumagabag sa akin! His expression softened as his lips parted. Wala sa sariling napalunok ako at mas humigpit ang kapit sa kanyang balikat.
God, his body is rock hard! I wonder how his body looks without his clothes on. Tingin ko kasi ay mas maganda ang sa personal kaysa sa mga litrato lamang na nakita ko.
"Zuriel! Tasiana! Anong nangyari?!"
Natauhan kami pareho sa malakas na pagsigaw ng isang boses na nagkukumahog palapit sa amin.
Fucking Davida ruining everything for me!
Agad ako nitong hinila at ibinalik sa mga paa ko. Sa muli naming pagtititigan ay nawala na rin iyong lambot ng ekspresyong nakita ko sa kanyang mga mata kanina.
Napangiwi ako sa marahas na paghila sa akin ni Davida palayo sa lalaki.
"Anong ginawa mo?!" Sigaw niya sa mukha ko. "Zuriel, pagpasensiyahan mo na itong batang 'to. Bago pa lang kasi kaya hindi pa marunong mag-ingat pero pagsasabihan ko!"
Hindi na niya hinintay pang sumagot ang lalaki. Agad na niya akong hinigit palayo, pero kahit na ilang dipa na ang agwat namin ni Zuriel ay hindi nawala ang pagsunod ng mga mata niya sa akin.
Wala na akong narinig sa bawat pagalit ni Davida. Mabuti na rin iyon dahil baka kapag napikon ako sa kanya ay saksakin ko na lang siya bigla.
Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa aking bibig ng maputol ang titigan namin sa aming paglihis palayo sa kinaroroonan niya.
May araw ka rin Zuriel. Magagawa ko rin lahat. I will be successful with my mission and I will do whatever it takes to fulfill what I've promised to Valados Alcatraz. I hope you are ready... because I am.