Chapter Twenty
I'd Like To Try You
"You are not allowed to talk to Zuriel! Hindi ba't malinaw ang mga paalala ko unang araw mo pa lang rito?!" malakas na sigaw ni Davida sa mukha ko.
"Pero hindi ko naman po siya kinausap. Nagkabanggaan lang po kami."
"Wala akong pakialam sa dahilan mo. Huwag na huwag kang lalapit sa kanya naintindihan mo ba?"
I remained myself calm kahit na nasasaktan na ako sa paraan ng paghawak niya sa kamay ko. Tumango na lang ako at nagmukhang kaawa-awa kaya nagawa niya akong bitiwan.
"Pumunta ka sa library at tulungan si Tipas doon ngayon na." Maawtoridad niyang utos na ginawa ko agad.
Tinulungan kong maglinis si Ate Tipas, pero maya-maya ay pinatawag na ito ni Davida kaya ako na lang ang naiwan. Huminto ako sa pag-aayos ng mga librong nasa lamesa para suriin ang lugar nang mapag-isa.
Kahit rito ay mayroon ring mga CCTV. Dahil mukhang wala naman akong makukuhang impormasyon sa loob ng lugar ay hindi ko na pag-aaksayahan ng panahong galawin rin iyon.
Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos at nawalan na ng pag-asang balikan ni Ate Tipas dahil sa tagal niya, pero matapos ang isa't-kalahating oras ay bumalik siya.
"Okay ka lang? Sorry natagalan. Si Madam Davida kasi ipinatawag kami. Bakit nga pala hindi ka sumunod?"
"Po?"
"Ano ka ba, ipinakilala niya kami kay Sir Zuriel."
Nalaglag ang panga ko. Ang pagkakatanda ko rin ay ipapakilala niya kami pero bakit hindi niya ako sinabihan? Is she mad because of what happened? Aba't hindi ko naman kasalanang ayaw akong bitiwan ng lalaking 'yon kanina at mas lalong hindi ko kasalanang intrimitida siya't palaging gustong maging sagabal sa mga plano ko.
"Hindi naman po ako pinatawag."
"Gano'n ba? Kung sabagay, saglit lang naman iyon. Hindi rin naman masyadong nagsalita ang lalaki at mukha namang walang gustong malaman bukod sa pangalan namin. Hindi bale, makikita mo rin 'yon. Day off yata eh. Magpakilala ka na lang kapag nagkasalubong kayo."
Inalis ko ang tingin sa kanya. Kung alam mo lang...
"Eh bawal nga raw pong makipag-usap maliban kay Miss Davida, 'di ba?"
"Kung hindi niya malalaman wala namang masama."
Napangisi ako sa sagot nito.
"Mukha namang mabait. Tama nga ang sabi ni Aurora na napaka-gwapo ng lalaking iyon. Kung dalaga lang ako at maganda ay baka inakit ko na!"
Natatawa ko siyang sinulyapan pero hindi kaagad nakasagot ng manlaki ang mga mata niyang tila may naisip na masama para sa akin.
"Ikaw na lang kaya ang umakit Tasia? Aba't hindi ka na lugi doon at hindi rin siya malulugi sa 'yo! Maganda ka, sexy at dalaga pa! Mukhang may chance ka pa sa bagong boss natin pero ako, expired na ako!"
"Ate naman, trabaho lang po ang ipinunta ko rito. Wala po akong panahon sa mga ganyang bagay."
True. Misyon ang kailangan kong tapusin, iyon lang.
"Naku, sinasabi mo lang dahil hindi mo pa nakikita pero kapag nakita mo 'yon baka maglaway ka! Parang artista eh!"
Nagpatuloy ang pangungumbinsi niya sa akin tungkol sa pang-aakit rito. Kahit nang mananghalian kami ay iyon pa rin ang naging topic. Mas malala pa dahil iyon rin ang suggestion ng dalawa pang kasama ko. Sinakyan ko na lang ang mga sinabi nila para pare-parehong silang maging masaya.
Hindi na nagtagpo ang mga landas namin ni Zuriel buong araw, pero sabi ko nga likas talaga akong dikit sa swerte.
Napangiti ako ng makita ang bukas na pintuan sa kanyang opisina.
Nilingon ko ang tahimik na paligid. Davida is probably sleeping by now so it's not her who's inside. Ang mga kasama ko naman ay nagpapaantok na lang at kahit pa gising ay hindi rin naman sila basta-basta makakapasok doon kaya sigurado akong si Zuriel ang nasa loob.
Walang ingay akong naglakad palapit. Hindi iniwasan ang mga CCTV at sinadya pang sumilip sa loob.
I found him sitting on his swivel chair. Nakalagay ang isang kamay sa bibig na tila malalim ang iniisip habang nakatitig sa nasa harapang laptop.
Sinadya kong magpakita pero hindi ko inasahang muling makakaramdam ng kaba ng mapansin niya ako.
Kusang nawala ang atensiyon niya sa harapan at nalipat sa akin.
"Sorry po. Hindi ko po alam na kayo ang narito." Paumanhin ko kahit na parang gusto kong maduwal sa mga sinabi.
I don't really like acting dumb. Nakakasuka.
Isinarado niya ang kanyang laptop at agad na tumayo. Matangkad na ako pero para akong nanliliit sa tuwing nakikita ko si Zuriel.
He has broad shoulders, too at bakat sa t-shirt niya ang bato-batong katawan. Tingin ko ay kaya niya akong buhatin gamit lamang ang isang kamay. That's how strong I think he is.
"Is it your hobby to roam around my house specially during wee hours?"
I would answer him using the same language, but that would sabotage my mission.
"Hindi naman po."
"How old are you?" Tanong niya ng makalapit sa pinto, ilang dipa ang layo sa akin.
"Twenty four po."
"Drop that. I am not that old for you to give me some kind of respect even if I am your boss. I'd rather prefer you talking to me as if like we have the same age."
Muntik na akong mapairap doon, pero hindi ko itinigil ang pag-arteng inosente at walang alam sa mundo.
"Po?"
"Do not use that word to me."
I swallowed hard when his voice thickened. Hindi lang sa kaba kung hindi sa pagkairita na rin.
Tumango na lang ako. Inalis niya ang mga kamay sa bulsa at agad na naghalukipkip.
"I'm pretty sure we haven't been properly met. You are nowhere to be found earlier. What's your name again?"
"Tasiana Sandoval, Sir."
"Tasiana..." he repeated my name with a much more tease. Tila may nalasahang tamis sa pangalan ko.
"Pasensiya na. Hindi po kasi ako tinawag kanina ni Miss Davida. Naglilinis po ako—"
"What did I just told you?"
"N-naglilinis ako ng library kanina. Tsaka nagkita naman na tayo at kilala mo na ako kaya kung may kailangan kayo ay pwede niyo akong utusan ano mang oras."
Pinanatili ko ang sarili sa aking kinatatayuan kahit pa muli siyang naglakad palapit sa akin.
Pasimple akong napasinghap ng maamoy ang kanyang bango. He smells like ocean and dark chocolate combined.
Good choice. My mind praises him.
Sinipat niya ako. Hindi ko inasahan na maglalakad siya paikot sa akin. He then stopped when he face me again.
"Are you sure you can do that?"
"Siguro naman po."
"How long have you been doing this?"
"Since I was sixteen."
He find my answer amusing for no apparent reason so I had to look away to not despise him even more.
"Are you a good maid?" He asked, testing every bit of my f*****g patience.
I smiled sweetly and innocently before I answered him again.
"Ilang beses ko nang nasubukang maging personal maid. Gusto niyo ba akong subukan?"
His smirk put to halt and then his adams apple rolled twice in his throat.
A way to a man's heart is indeed through his p***s.
"I don't usually ask someone to do something for me because Davida got it all covered, but..."
Sinadya kong kagatin ang labi nang muling bumaba ang mga mata niya pabalik sa aking katawan.
He looks so thirty. He's definitely into me or is he just drunk? Ngayon ko lang naamoy ang alak sa sistema niya dahil sa munting pagitan namin.
Absinthe, wise choice.
Matapang kong tinitigan ang kanyang mga mata matapos niyang tuluyang isara ang pinto ng kanyang opisina.
A sudden gasped escaped my mouth when I felt his arms snaked around my waist. He pulls me closer to his body and then lower his head to reach my right ear before he gently whispers,
"If you insist, Tasiana... I'd like to try that."