Nakarating na kami sa resort kung nasaan kami. Nakaidlip pa nga ako kasi nakakaantok naman talaga sa byahe. Nagtataka lang ako kung bakit may mini pillow na sa gilid ko. Kanino kaya 'yon? Napatingin naman ako sa kaniya. Abala ito sa pagtulong sa pagbaba ng gamit. Ano ba 'tong iniisip ko? Siya 'yong iniisip kong na naglagay n'ong mini pillow sa akin. "Bessy, 'yong pillow ko." Lapit ni Chloe sa akin at turo doon sa mini pillow na dala ko. Sa kaniya pala 'to. Assume pa. "Hoy, Cedric, bakit ngayon mo lang kami dito. May sekretong resort naman pala pamilya niyo," ani Chloe na nakatingin sa paligid. Maging ako rin ay namangha dahil maganda roon at ngayon lang kami dinala ni Cedric. Madaming halaman dito at may swimming pool. Pwede kaya kumuha ng halaman dito pasalubong kay Mama? Gaganda p

