Wife Series: The Annulment Special Chapter EMILIA Limang taon na rin ang nakalilipas nang muli kaming ikasal ni Roman, sa legal na paraan at masasabi kong may panghahawakan na ako. Limang at ang bilis na halos hindi ko na namalayang unti-unti ko nang nakakalimutan ang nakaraan at tuluyan nang nagbabago ang buhay ko. Ang bilis lang nang oras kung tumakbo pero kahit na ganoon ay masaya ako dahil sa pagbabagong nangyayari sa buhay ko. Limang taon na halos araw-araw niyang ipinapakita kung gaano niya ako kamahal. Kung papaano niya pinupunan ang lahat ng mga naging pagkukulang niya noon sa akin. Araw-araw sa tuwing uuwi siya galing sa trabaho, may dala siyang regalo at araw-araw niyang ipinaparamdam sa akin kung gaano niya kagustong makasama ako sa pagtanda. Si Roman
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


