Third-person Point Of View. “Handa na po ang lahat. Pumunta na po tayo sa ating mga puwesto at magsisimula na ang kasal,” anunsiyo ng organizer ng kasal. Ito na ang araw na pinakahihintay niya. Ang maranasan niya ang kasal na matagal na niyang pinapangarap. Pangalawang beses at alam ng lahat na ito ang pinakahindi niya makakalimutan. Maraming pinagdaanang dagok sa buhay si Emilia. Sampong taon ang tiniis niya para lang makamit ang totoong kasiyahang minimithi niya. Maraming beses na pumasok sa isipan niya ang sumuko ngunit nanatili pa rin siya at naniwala na balang araw ay darating ang araw na 'to. "You ready?" tanong ni King, na naririto pa lang sa labas ng simbahan. Tumango lang siya at sa huling pagkakataon ay niyakap muna niya ito bago sila naghiwalay at naunang pumasok ang binata.

