Emilia Alas-otso na nang magising ako kinabukasan. Dahil siguro sa hindi ako makatulog kakaisip at sa tahimik na pag-iyak sa kama para lang hindi niya ako marinig. Kaya hindi napaaga ang gising ko at nang bumangon ako’t tumingin sa tabi ay wala na si Roman doon. Bumuntonghininga ako nang maalala kong hindi nga pala siya makakasama sa amin ng anak niya. Dahil kailangan daw siya ng kaniyang boss. Naiintindihan ko naman kung ‘yun nga ang totoo pero nang makita ko noong Biyernes kung sino ang naghatid sa kaniya ay hindi ko maiwasang hindi malungkot at mainis. Hindi naman na bago sa paningin ko ang kotseng puti at babaeng humahatid sa kaniya sa tuwing uuwi siya sa amin. Tila ba isa na itong normal na nakasanayan para sa mga mata ko. Dahil noon pa man, tanaw ko sila sa dati

