Emilia "Momma, look! Heart shaped cookie!" Napangiti ako sa ipinakita ni Rowan sa akin. Hawak-hawak kasi nito ang heart shaped cookie na siya ang gumawa. Isa 'to sa mga request niyang gawin sa araw na 'to, ang mag-bake raw kami ng cookies. Kaya kasama ko siya ngayon dito sa kusina habang nagmamasa ng harina. Ang ama naman nito'y lumabas lang dahil tinawagan daw siya ng kaniyang boss. "Tara, i-bake na natin?" sabi ko sa kaniya nang matapos kaming dalawa. Tumango lang ito at pinagtulungan na naming ilagay ang mga ginawa naming cookies sa isang tray para lutuin na sa oven. Mabuti na lang dahil kompleto sa gamit itong kusina nang bahay. May iilang gamit sa pagluluto ang mayroon dito ngunit wala sa dati naming bahay. Kaya nakakatuwang magluto lalo pa't kasama ko ang anak ko. Sa dati kasi n

