Emilia One month later. Isang buwan ang lumipas pero para bang isang taon ang nagdaan. Ang daming nagbago sa loob ng isang buwang iyon at masaya ako dahil unti-unti kong nababawi iyong mga nasayang na oras noong nasa piling pa niya ako. Alam kong hindi pa rin nawawala iyong galit sa puso ko. Sinusubukan ko namang magpatawad ngunit hindi ko kaya, sampong taon ang nasayang. Kaya hindi ko alam kung kailan maghihilom iyong sugat sa puso ko. "Ayos lang ba kayo rito?" Tumingin ako rito at nakitang nagsusuot na siya ng kaniyang business suit. Tumingin naman ako sa loob ng bahay at nakangiting ibinalik ang tingin kay King. "Ayos lang. S-Salamat," sabi ko. Tumigil ito at nilingon ang direksiyon ko. Ngumiti lang siya at lumapit siya sa puwesto ko. "Anything for you, Emilia." Hindi ko alam ku

