Third Point Of View. Mula sa malayo. Tanaw niya ang mag-ina na nakaupo sa parke nitong village kung saan sila kasalukuyang nakatira. Hindi niya magawang lumapit dahil natatakot siyang baka mas lalo lang itong lumayo. Alam ni Roman na marami siyang naging kasalanan at gusto niyang bumawi kina Rowan at Emilia. Pero papaano? Gayong nang sinubukan niyang bumawi at nagkandaletse-letse naman ang lahat. Nalaman ni Emilia na hindi sila totoong kasal. Kaya heto, nasa malayo lang siya nakapuwesto habang pinagmamasdan ang dalawa. Gustuhin man niyang magpakita, gustuhin man niyang magpaliwanag at gustong-gusto niyang ibalik ang mag-ina sa piling niya. Hindi niya iyon magawa. May sapat naman siyang lakas ng loob para gawin iyon ngunit natatakot siya na baka mas lalo lang lumayo si Emilia. Na baka m

