Emilia "Rowan... 'Wag masyadong makulit," suway ko kay Rowan dahil hindi na nito maitago ang excitement ngayong araw. Naisipan ko kasing ipasok ito sa isang Public School malapit dito sa lugar. Para na rin mailayo ang atensiyon nito sa ama at hindi ito hanap-hanapin pa. At saka ayaw ko rin na lumaki ang anak kong hindi man lang nakakapag-aral. Magsasampong taon na ito sa susunod na linggo at nasa unang baitang pa rin siya. "I just can't help it, momma!" Nagtatalon-talon pa ito kaya hindi ko na naibubutones ang kaniyang polo. "Hayst! Basta 'wag kang makulit at huwag na huwag kang makipag-away," sabi ko sa kaniya. Nang matapos kong maibutones ang kaniyang puting polo, kinuha ko naman ang bag nitong spiderman sa aming kama at isinukbit iyon sa kaniyang balikat. "I won't, momma! I promise

