Emilia Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Tumingin muna ako sa aking tabi at napagtanto kong hindi ko kasamang natulog si Rowan dito. Kaya ibinaling ko ang paningin sa wall clock na malapit sa pinto at nakitang mag-a-alas-kuwatro na nang umaga. Mula rito sa kama ay kita ang labas ng balkonahe dahil wall glass lang ang dinamit. Ang kurtina ay hindi naman nakasarado. Kaya nakikita kong madilim pa rin sa labas. Bumangon na ako't agad na pumasok sa banyo upang maghilamos. Hindi naman madilim dito sa loob dahil nakalimutan kong patayin ang ilaw kanina. Nang matapos akong maghugas at magsipilyo, may nakita kasi akong sipilyong hindi pa nabubuksan kaya iyon na ang ginamit ko. Wala naman sigurong masama roon? Agad akong lumabas. Hindi ako makakalimutin kaya madali kong natandaan a

