Emilia Alam kong hindi man kami lubos na nagkaintindihan ni Roman, alam kong alam na nito kung ano'ng gusto kong ipahiwatig. Nais kong malaman niyang binibigyan ko siya ng isa at huling pagkakataon, na sana'y ingata niya. Dahil sa oras na masira pa iyon, hindi ko na alam kung ano pang mangyayari sa amin. Bago sumikat ang araw ay dumating ang cake na ipina-customize ni Roman kahapon. Captain America ang halos desenyo nito dahil iyon ang paborito ni Rowan, halos lahat na ata ng movie ng Captain America ay napanood na niya. Agad din kaming nagluto, tinulungan ko na kasi ang mga kasambahay sa pagluluto. Lalo pa't mas alam ko kung ano ang mga paboritong pagkain ni Rowan. Hindi naman na ako pinigilan ni Roman dahil ito rin ang gusto ko. Habang siya nama'y bumalik sa kaniyang laptop at mukhang

