Emilia Gabi na nang magsiuwian ang mga bisita ni Rowan. Kaya nakakahinga na ako nang maluwag. Kanina pa kasi ako kinakabahan, natatakot ako’ng baka makagawa ako nang mali at makarinig pa nang masasakit na salita. Ayokong masira ang espesiyal na araw ng anak ko. Kaya kahit na gusto nang lumabas ng puso ko sa aking didbib dahil sa kaba, tiniis ko hanggang sa matapos ang okasiyon. Naririto pa rin naman kami ni Rowan sa bahay ni Roman. Gusto ko nga sanang sumama kay Andoy kanina para makauwi na kami sa bahay ni King pero bantay sarado si Roman. Nang matapos niya kaming ipakilala sa marami bilang pamilya niya, hindi na ako nito nilubayan. Napanatag naman ang loob ko dahil doon. Pakiramdam ko’y kapag nasa tabi ko si Roman ay ligtas ako sa lahat. Sa lahat nang mapanghusgang

