Emilia Hindi ko siya nagawang batiin nang magtuloy-tuloy itong pumasok sa loob. Kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya pagkatapos kong isara muli ang maliit na gate nitong bahay ni Roman. Sinundan ko ang ina ni Roman sa living room nitong bahay. Naabutan ko itong inililibot ang kaniyang paningin sa loob habang nakaupo sa pahabang sofa. Ang kaniyang mamahaling bag ay nakapatong naman sa center table na gawa sa glass. Napakaganda niya sa suot na damit. Sumisigaw ang karangyaan. Isang mayamang babae, maarte at sa unang tingin pa lang ay alam mo nang masungit siya. Kaya napahigpit na ang hawak ko sa laylayan ng suot na damit dahil sa kaba at takot. Ano'ng ginagawa niya rito? Balak ba niya akong sabihan na layuan si Roman? Wala siyang pinagkaiba sa mga mayayamang pamilya na gaga

