Emilia “‘Nak, ano sa tingin mo? Ayos na ba itong suot ko?” tanong ko kay Rowan na kanina pa ako pinagmamasdan, nakaupo siya sa kama habang nakahawak siya sa kaniyang baba. Para siyang matanda na kung mag-isip nang malalim. Kaya napangiti ako ng hindi ko man lang namamalayan. Nakasuot ako ng simpleng off shoulder dress na hanggang ibaba ng tuhod ang haba. Natuto rin akong maglagay ng light make up dahil sa kaibigan kong si Andoy. Bagsak at nakalugay naman ang mahaba kong buhok na hanggang sa aking siko. “Kahit ano po ang isiuot niyo, Momma. You’re indeed beautiful,” sagot niya. Lumapit ako rito at kinurot siya sa magkabilang pisngi na siyang ikinangiwi niya. Sumimangot siya nang bitiwan ko na ang mga matataba niyang pisngi. “Napakabolero mo, manang-mana ka sa Pap

