Emilia Akala ko, tatanungin ako nito kung ano ang naging usapan namin ni Kristina noon sa loob ng company. Ngunit isang araw ang lumipas, nanatiling tikom ang bibig nito tungkol doon. Akala ko, pagagalitan ako o 'di kaya'y sisigawan ngunit walang nagbago sa pakikitungo niya sa amin ng anak ko. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin panatag ang loob ko sa lahat ng mga nangyayari. Hindi ako mapakali lalo pa't pakiramdam ko, may dapat akong malaman. "I'm going. Mag-iingat kayo," paaalam ni Roman. Nakasuot na ito ng isang royal blue three pieces suit. "Sandali," pagpigil ko at mabilis ko siyang nilapitan. Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginawa. Ang pag-ayos sa suot niyang neck tie. "B-Baka magtaka sila kung bakit hindi maayos ang pagkakasuot mo." "Thank you," mahinang sabi nito. Agad din nama

