Chapter 21

1882 Words

Emilia Dalawang araw ang lumipas at wala namang nagbago sa amin. Minsan, hindi ko na maintindihan ang takbo ng isip ni Roman. Tuluyan na kasi itong bumabalik sa dati, sa kung papaano ko s'ya nakilala noon sa bar. Iyong Roman na mapagbiro, madaldal at higit sa lahat ay palagi na siyang nakangiti. Tuwing umaga, mas maaga pa itong nagigising sa akin at naabutan ko na lang siya sa kusina. Minsan ay siya na rin ang nagdidilig sa mga halaman ko sa labas at naglilinis sa bahay. "Sa Lunes na ang pasok ni Rowan. Gusto mo bang ihatid ko siya bago ako pumunta sa trabaho?" Ito pa ang isa sa mga nakakapanibago sa kaniya. Sa tuwing may gusto ito, tinatanong na muna niya ako bago siya gagawa ng desisyon. Kaya ang kaba ko noong nakaraang araw ay hindi na mawala-wala. Maging ang isip ko ay naguguluhan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD