Kinabukasan, parang automatic na hinanap agad ng mata ko yung icon ng Tinder sa phone ko (harot lang).
May notifs ulit.
Siya na naman. At doon ko narealize: sa dami ng naka-match ko, siya lang yung consistent na kausap ko, like as long as may chat ako, may chat din siya.
Anyway, Kyru nga pala ang Tinder name niya—pero hindi ko sigurado kung real name ba niya yun o hindi. Kasi sa Tinder, puwede mo namang i-customize kung anong gusto mong ipangalan sa profile. Unlike sa akin, ginamit ko talaga yung tunay kong pangalan which is James.
Sa totoo lang, hindi rin malinaw kung ano talaga ang orientation niya like walang direct na clue. Pero base sa settings kung paano siya lumabas sa swipe ko, sigurado ako sa isang bagay: hindi siya straight.
Yun lang, hindi ko pa alam kung gay siya, bisexual, o baka curious lang.
Nag-reply siya sa simpleng tanong ko na last chat ko kagabi bago ako nakatulog:
“Ano mga trip mo gawin pag walang pasok?”
Sabi niya, mahilig daw siya maglaro ng online games like Genshin, Valorant, Mobile Legends, pati Farlight.
Kung hindi naglalaro, nanonood daw siya ng mga reels sa i********: at minsan sa t****k. Hindi raw siya mahilig sa f*******:, kasi “toxic” daw minsan (Which is true naman kasi madami na mga OA sa f*******: reels)
At doon ako literal na napa-shock.
Kasi kahit ako mismo, mahilig din ako sa mga laro na nabanggit niya. Tulad na lang ng Valorant, ML, at Farlight—lahat ‘yon nilalaro ko rin. (Swear)
Ayun, instant topic na agad. Ang dali bigla ng usapan kasi may common ground kami.
Kaya ginatungan ko:
“Uy, same tayo! Nilalaro ko rin yung mga ‘yon. Pero sa Valorant, noob pa ako hahaha.” (Gusto ko lang magpabuhat)
Sagot niya:
“Hindi naman ako magaling, marunong lang. Mas addicting pa nga kaysa ML yang Valorant”
Doon nagsimula yung kwentuhan namin tungkol sa laro. Tinanong ko siya kung anong character niya sa Genshin, kung ano role niya sa ML kapag naglalaro siya nito, kung ano na rank na niya sa Valorant at kung sino favorite agent niya kasi ako sabi ko sa kan’ya na si Sage favorite agent ko.
At habang nagkukwentuhan kami, naisip ko: Okay, gamer pala siya. Interesting.
Ang saya lang, kasi hindi ako sanay na may ka-chat na pareho ko ng trip.
Sabi ko pa,
“Ang hirap minsan humanap ng ka-vibe sa games eh. Usually, puro boring kausap na para lang kami nag Q&A ako taga tanong at siya naman ang taga sagot.”
Sagot niya,
“Depende siguro sa tao. Ako kasi madaldal din pag ka-vibe ko kausap.”
Napangiti ako. Kaya pala hindi siya nauubusan ng sagot sa sandamakmak kong tanong— pareho pala kaming madaldal.
Kaya sinabayan ko,
“Eh sakto, pareho pala tayo. Pero warning lang ah, ako madaldal talaga as in. Kaya pag naririndi ka na, sabihin mo lang hahaha.”
Tapos sabi niya,
“Haha, halata nga. Ang dami mong tanong kagabi.”
Doon ako natawa. Hindi siya naiinis sa dami kong tanong sa kan’ya dahil sa ‘yung pagiging curious ko kung sino siya. (Opppsss bawal ma fall, hindi ko pa siya kilala ng lubusan hahaha)
Kaya sinagot ko,
“Eh syempre! Kung hindi ako madaldal, paano kita makikilala? Baka isang tanong isang sagot lang nangyari sa’tin o Baka nag end convo na’to haahah”
Nag-reply siya ng laughing emoji, tapos may kasunod pa na:
“Hindi naman ako ganun. Ako pa nga nagtatanong sayo kanina ‘di ba kung kumusta ang tulog mo?”
(Enebe, pereng shera naman tong shi kyru)
Doon nagsimula yung konting asaran. Hindi yung bastusan o seryosong asaran na may mapipikon, kundi yung may halong kilig na hindi mo agad mapansin, parang bigla ka ngumingiti.
Yung parang dahan-dahan kayong nagiging komportable sa isa’t isa — at hindi na simpleng match sa Tinder lang. (Grabeng delulu to, wala pa 1 week mag kausap hahahaha )
Habang humahaba ang convo namin, napunta kami sa location — kung saan kami nakatira I mean. Doon ko pa lalo siyang nakilala.
Sabi ko:
“Hindi ko nga in-expect na magkalapit lang pala tayo. Phase 1 ka lang pala.”
Sagot niya:
“Oo, literal na kapitbahay lang tayo. Ang lapit nga eh.”
“Eh kung lapit lang pala, bakit parang ngayon lang kita nakita?” balik kong tanong.
“Hindi naman ako yung tipong palalabas; tambay sa computer mag hapon mag damag lang ako,” sagot niya.
“Same!” sagot ko agad. “Hindi rin ako palabas ng bahay. Pero ngayon, parang gusto ko na. Joke lang. Hahaha.”
“Gusto mo lang ako makita eh,” banat niya bigla.
Napahinto ako sandali. Binasa ko ulit yung chat niya para siguraduhin kung tama ba yung nabasa ko.
Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro lang. Pero either way, iba yung dating. (Kinilig ako, ems)
Parang may spark, parang may pasimpleng landi na hindi ko inaasahan.
Sinagot ko na lang:
“Confident ka ah, gusto ko kasi maglakad lakad din minsan”
At doon ko unang naramdaman yung simula ng harot. (Pero syempre dapat pa hard to get tayo)
That night, bago matulog, napaisip ako.
Hindi ko alam kung ano ba talaga si Kyru. Hindi ko rin alam kung hanggang saan aabot ‘tong chat namin. (Over thinker ang ferson)
Pero ang malinaw sakin: iba yung vibe niya as in.
Hindi siya tipong “isang sagot, tapos na.”
Hindi siya nakikipag-match lang dahil trip.
May effort siya makipag-usap. May halo ring curiosity, sincerity, at kung minsan — kilig. (napapasmile na naman ako hahaah)
At habang nakahiga ako, hawak ko pa rin yung phone ko, binabalikan ko ‘yung usapan namin, backread dito and backread doon.
Napangiti ako bago matulog.
Hindi ko pa alam kung ano siya… pero sure ako, may intrigue na siya sakin. (Another delulu moments)
(Lagot nakangiti na ako habang tulog)