‘Hi’ na Di Ko Alam Kung Friendly o Flirty

779 Words
Kinabukasan ng umaga, paggising ko, may tumunog agad sa phone ko. Kilala ko na yung tunog—hindi Messenger, hindi text. Tinder notification. Napahawak agad ako sa cellphone, parang may kuryente sa kaba at excitement. Pagbukas ko ng app, ayun nga... It’s a match. Napangiti pa nga ako. Totoo pala yung feeling na iyon—yung biglang may kasabay na kilig at kaba kahit simpleng tunog lang ng app. Isa lang siya sa mga ni-right swipe ko kagabi. Sa dami ng swipe right na ginawa ko, hindi ko na halos maalala kung sino-sino sila. Pero nung nakita ko yung mukha niya ulit sa screen ko, biglang na-refresh sa isip ko yung close up side-view mirror selfie niya. Yung curly hair. Habang nakatingin ako sa profile niya, napaisip ako. “Pinag-isipan ko muna kung ako ba ang mag-‘Hi’ o hihintayin ko siya. Eh paano kung hindi siya mag-‘Hi’? Baka hindi na kami magkausap neto.” Sa loob-loob ko, hindi naman ako yung tipong maarte o naghihintay palagi ng first move ng iba. Kung gusto ko makausap yung tao, gagawa ako ng paraan. Kaya kahit medyo kinakabahan, nag-type ako ng isang salita: “Hi.” Yes, isang simpleng “Hi” lang.Pero sa totoo lang, parang may weight yung maliit na chat bubble na iyon. Parang first step sa isang bagay na hindi ko pa alam kung saan patungo. Maya-maya, nag-reply siya. “Hello.” At doon nagsimula ang usapan namin. Ang ganda ng flow. Hindi awkward, hindi pilit. Ako naman kasi yung tipo ng tao na hindi nauubusan ng tanong. Hindi ko pinapabayaan na mamatay ang usapan; kahit anong pwede kong itanong, tinatanong ko talaga. Para sa akin, mas okay na madaldal kaysa dead air. At siya? Hindi siya yung tipong cold kausap. Hindi rin siya yung sagot lang nang sagot para matapos na. Ang maganda, nagtatanong din siya pabalik. May effort. Kaya hindi naging one-sided. Imbes na mabitin ako, lalo akong na-hook sa vibe niya. Sa kalagitnaan ng simpleng tanungan, may nalaman ako na hindi ko talaga in-expect. Hindi ko akalaing sa iisang barangay lang pala kami nakatira. Sa lugar namin, may subdivision na ang pangalan ay Mabuhay City Subdivision. Hati ito sa iba’t ibang phase—parang maliit na mundo na may kanya-kanyang tumpok ng bahay. May extension pa nga kung saan mas magaganda ang design ng mga bahay, parang ibang level kumpara sa ibang phase. So tinanong ko siya, “Saan ka dito nakatira?” “Taga-Phase 1 ako,” sagot niya. Napangiti ako. “Talaga? Ako Phase 2.” Sobrang lapit lang pala namin sa isa’t isa. Parang halos isang kanto lang ang pagitan. Doon lalo akong naintriga. Iba kasi yung pakiramdam na hindi lang siya basta nasa app, hindi lang siya isang profile na malayo o imposibleng makita. Nandito siya. Malapit lang. Almost real. At habang lumalalim ang usapan namin, may mga naiisip akong reflections. Isa na doon ay kung bakit ko nga ba siya na-swipe right in the first place. Sa totoo lang, simple lang talaga ang sagot: kasi hindi siya napangitan sa’kin. Hahaha. Ganun lang. Wala namang malalim na dahilan, wala ring sobrang bigat. Kasi honestly, hindi ko rin alam kung attractive ba ako sa paningin ng iba o hindi. Minsan iniisip ko, baka ako lang ang nag-aakala na okay ako tignan pero sa iba hindi naman pala. Kaya kapag may naka-match ako, hindi ako choosy. Para sa akin, okay na yung idea na may isang tao na nagka-interest din sa akin. Pero sa kaso niya, iba yung dating. Hindi lang siya simpleng “match.” May something sa paraan niya ng pakikipag-usap. Hindi siya nagmamadali, hindi rin siya bastos o diretso sa landian. Ang tono ng conversation niya ay parang gusto rin niyang makilala ako—hindi lang bilang fling, kundi as a person. At doon ko napansin ang sarili ko. Bakit parang nagiging invested ako agad? Bakit parang gusto ko pang tumagal ang usapan namin? Sa dami ng naka-match ko dati, wala pa akong naka-feel ng ganito. Siguro dahil simple lang siya. Hindi siya yung tipong nagpapakitang-gilas o nagpapaimpress agad. Hindi siya pa-cute, hindi rin pa-cool. Siya lang. At yun mismo yung bagay na nakakatuwa. Sa huling bahagi ng chat namin nung araw na ‘yon, wala pa namang seryosong napag-usapan. Mostly light talk lang—mga paborito, daily routines, simpleng kamustahan. Pero iba yung pakiramdam. Yung tipong sa gitna ng maraming notifs sa phone mo, siya lang yung gusto mong i-prioritize sagutin. Hahahaha (Ang hirap po talaga maging marupok) At bago ko ipinikit ang mga mata ko nung gabi, napaisip ako: “Bakit parang gusto ko pa siyang makilala nang mas malalim or higit pa?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD