Isang Swipe, Isang Simula

368 Words
Ako si James Sotto, isang college student mula sa Cabuyao, Laguna. Normal lang ang buhay ko—paaral, bahay, minsan tambay. At gaya ng iba, curious din ako minsan sa online dating. Hindi ako straight, I’m bisexual. Kaya kong ma-attract sa babae o lalaki—pero hindi lang sa itsura, mas sa vibe at simpleng connection. Kung tutuusin, isa sa mga dahilan kung bakit ko na-install ang Tinder ay dahil… nakakamiss din kasi. Nakakamiss yung may kaharutan, yung makipaglandian, yung feeling na may jowa. Yung tipong may kausap ka gabi-gabi, may konting kilig, at may possibility na mag-level up. Kaya nagbakasakali ako: baka dito, may makilala akong kakaiba. Noong nag-scroll ako, wala naman akong inaasahan. Mas gusto ko kasi yung simple lang, hindi yung tipong pogi na mataas ang standards at parang gusto rin ng kapogi nila. Hindi ako against sa pogi, pero ang hanap ko yung real, yung kaya lang makisabay at hindi judgmental. Hanggang sa may isang profile na nagpahinto sa akin. Isa lang ang picture niya—side view, close-up mirror shot. Hindi masyado kita ang buong mukha, kaya hindi ko rin masabi kung pogi ba siya o hindi. Ang pinakanapansin ko ay yung mahaba niyang curly hair, at yung simpleng vibe ng litrato niya. Walang arte, walang pa-cute na lalong nag bigay dahilan sakin para i-right swipe siya. Isa pa, nakalagay din sa Tinder na mga 2-3 kilometers lang ang layo niya sa akin. Hindi malayo, halos isang biyahe lang kung tutuusin, kayang lakarin kung sisipagin. Siguro isa rin ‘yun sa dahilan kung bakit lalo akong na-intriga. Should I swipe right? So I did. Pero hindi naman agad kami nag-“match.” Tuloy lang ako sa pagswi-swipe—at marami rin akong ni-right swipe nung gabing ‘yon, hindi lang siya. Nag sisigurado lang na dapat may isang tao akong ma match na ka-vibe ko. Hahahaha kaya more swipe more chance Kinabukasan, paggising ko, biglang may tumunog na notification sa phone ko. Kilala ko na agad yung tunog—Tinder. At doon ko nakita: may nakamatch ako. At first, wala lang. Isa lang siya sa mga naka-match ko. Pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan… may kung anong kakaiba talaga sa kanya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD