Kabanata 8

1047 Words
"Good morning, Azhia." He greeted again. I can't believe this! I really can't. Chaos Valderama, my ultimate crush is now standing in front of me while holding a bunch of my favorite flower. If this is just a dream, please don't wake me up. Why is he here? At bakit siya may dalang bulaklak, at hindi lang basta-bastang bulaklak dahil ito ay ang pabirito kong bulaklak. Is he here to ask me if he can be my date? Well, if that's the case I would love to agree. In fact, hindi niya na ako kailangang tanungin pa. "W-what brings you here, kuya?" I am assuming things again, but I don't want to conclude yet. Gusto kong sakanya mismo manggaling ang gusto kong marinig. Mas masarap sa pakiramdam at mas satisfying. "Oh that," a small line formed within his lips as he looked at me. "Your brother asked me a favor. Inutusan niya akong bumili ng bulaklak." Disappointment. That is what I am feeling right now. Bakit ko nga naman naisip na gusto niyang maging ka-date ko? May nobya na siya kaya't imposible na ang naiisip ko. Magsasalita pa lang sana ako nang dumating si kuya. Agad niyang nilapitan ang kaibigan at kinuha ang bulaklak. Ang epal! "Thanks man." Umalis din agad si Chaos. Umalis siya ng hindi man lang nagpapa-alam sa akin. He did not even bother to look at me. Nandito lang ako, pero pakiramdam ko para sakanya ay wala ako. "O para sayo. Flowers for you kahit pangit ka," inasar niya muna ako bago ibigay ang bulaklak. Kinuha ko 'yon kahit naiinis ako. How can I resist my favorite flower? Iniisip ko nalang na galing 'to kay Chaos kahit na hindi. Atleast siya 'yong bumili. Atleast nahawakan niya at siya ang naghatid. Nahihibang na nga yata ako. "Grabe. Wala man lang thank you diyan?" "Edi salamat." "Alam mo—" "Hindi ko pa alam," pambabara ko sakanya. Tumayo ako at naglakad patungo sa kitchen. Aayusin ko itong mga bulaklak at ilalagay sa vace. Agad namang sumunod sa akin si kuya. "Pilosopo amporkchop," bulong niya pero narinig ko pa rin. "Mana sayo." "Alam mo, kaunti na lang talaga iisipin ko ng crush mo talaga 'yong tropa ko." I was stunned for a moment. Nabitin sa ere ang tangkay na rosas na hawak-hawak ko. Napalunok ako nang paulit-ulit dahil sa kanyang sinabi. "Tangina! Crush mo nga siya?" He asked again. Tinapos ko ang aking ginagawa at tinalikuran ko siya. I walked away and brought a glass of cold water with me. Sinundan niya naman ako hanggang sa garden. I'm doomed. "Hindi ko crush si Chaos, kuya if—" "I did not mention any name, Azhia." Umigting ang panga niya dahil sa sagot ko. Doon ko lamang na-realize na marami siyang kaibigan, pero si Chaos ang binanggit ko. "Ano naman ngayon kung crush ko nga siya?" Umirap muna ako bago tumakbo papasok sa loob ng bahay. Paniguradong pulang-pula na ako ngayon dahil sa pag-amin. What's the sense of hiding it, anyway. Malalaman at malalaman din naman niya 'yon. Mabilis lumipas ang araw at ngayon ay abala sila sa pag-aayos sa akin. Mukhang mas excited pa sila kaysa sa akin. Tonight is our promenade. Hindi ko alam kung masaya sila dahil sa wakas ay a-attend ako, o masaya sila dahil si kuya Art ang date ko. Wala akong choice. Ayaw ko namang magmukhang kawawa mamaya doon, at isa pa ay mas komportable ako kay kuya kesa sa ibang lalaki. "Ay, pak! Ang ganda mo gurl," puri sa akin ng make up artist ni mommy. "Walang duda, anak ka nga ng isang Ms. Universe!" Agad namang sumang-ayon ang hair stylist ni mommy. Nag-apir pa silang dalawa bago muling ibaling ang tingin sa akin. My mom was a former Ms. Universe, that is why I am aiming for it too. Tinulungan nila ako sa pagsuot ng aking gown. May kabigatan ito kaya't mahirap isuot. I am wearing a red tube balloon gown with a deep slith on my chest. Two and half inches lang ang taas ng sapin ko sa paa, dahil mangangawit lang din ako at hindi naman 'to makikita. The hair stylist braided my hair. Itinaas nila 'to pero nag-iwan ng iilang hibla at kinulot. Dahil nakataas 'to ay agad pansin ang likuran. They fixed my hair a bit before putting some jewelries to me, to complete the look. Inalalayan nila ako hanggang sa hindi ako makababa sa hagdan. Mom, dad, and kuya was patiently waiting for me on our living room. Agad na lumapit sa akin si mommy at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Walang duda, Roberto. Anak ko nga siya," she said in a almost teary tone. Tumawa naman si daddy at maging si kuya Art. "Dalaga ka na. Parang dati lang ay pinapalitan pa kita ng pampers at—" "Mommy!" Putol ko sakanya. "Stop it, mmy. Promenade lang po 'to, hindi ko pa debut." Kabi-kabilaang puri ang naririnig ko mula sa bahay hanggang sa venue. Sanay na ako sa atensyong nakukuha ko. Madalas naman na ganito kaya wala ng bago. "Ganda mo ngayon, bunso." "Thanks! Ikaw rin kuya, mukhang tao ngayon." I encircled my hand around his upon entering the venue. Some of my schoolmates greeted me. Ang ilan ay nakatingin sa ka-date ko na feeling artista. Sa labas ng venue ay kinuhanan na kami ng litrato. Bago naman makapasok sa loob ng venue ay inabutan muna kami ng tig-isang maskara dahil ito ang theme namin. Masquerade ball. Hindi muna kami agad pumunta sa assigned table namin. Isa isa kaming maglalakad sa red carpet mamaya upang i-flex ang aming gown. Hindi ko pa rin nakikita si Yuna hanggang ngayon. Late nanaman 'yon panigurado. Saksakan ba naman kasi ng bagal kumilos. "Get ready, Marupokers! Kayo na ang susunod." The event organized announced. Kanina pa ako hindi mapakali dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si kuya. Nagpaalam lang 'to sa akin kanina na mayroong babalikan sa parking, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik. Tatlong pares na lamang ay ako na ang susunod. I guess, I have to walk on that red carpet alone. "Art, asked me to accompany you for a while." Nagulat ako sa biglaang pagsulpot niya sa aking tabi, pero mas nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. He snaked his arm around my waist and pulled it closer to him. "You look great, Azhia." He complimented. "Ako muna ang ka-date mo ngayon habang wala pa ang kapatid mo." My heart skipped a beat because I knew it was him. Kahit nakasuot pa siya ng maskara ay alam kong siya 'yon dahil kilala ko siya. Kilalang kilala. "Thank you, Chaos!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD