CHAPTER 6

1389 Words
MIKAELA Masakit ang mga pasong natamo ko sa ginawa sa akin ni Ronald. Hindi ko alam na mag ganitong ugali siya sa pakikipagtalik. Gusto ko siyang tanungin at kausapan pero inuunahan ako ng takot. Mahimbing pa siyang natutulog sa kama habang ako tinititigan ang mga paso sa aking dalawang hita. "Love, ang aga mo naman yatang gumising?" hindi ako sumagot sa tanong niya kaya nilapitan niya ako. "Bakit ka umiiyak? Hindi kaba masaya?" sunod sunod na tanong niya. "Gusto mong malaman kung bakit?" nagpipigil ako ng galit na sabi ko sa kanya. "Gusto mong malamn kung bakit ako umiiyak, ha?!" muli kong sabi na mariin ang boses. "Ayan lang ba ang sasabihin mo, yang gusto mong malaman. Tell me? Para alam ko at hindi ako nanghuhula dito!" mataas na din ang tono ng boses niya. Iniangat ko ang damit ko at ipinakita ko sa kanya ang bawat paso na ginawa niya sa akin kagabi. "Ngayon mo sa akin ipaliwanag ito para maintindihan kita. Ronald binababoy mo ako, asawa paba ang tingin mo sa akin. Hindi na ikaw ang Ronald na boyfriend ko, parang ibang tayo kana." umiiyak kong sabi sa kanya. "Mika, pwede ba wag natin yan dito pag usapan nakakahiya ang ginagawa mo." "Nakakahiya, ako pa ang nakakahiya! Itong ginawa mo sa akin, ano to nakakatuwa ba?" mariin kong sabi. "Please, wag mo ako dito umpisahan. Ano man ang ginawa natin kagabi parte yon ng pagiging mag asawa natin. Sa tingin mo ba gagawin ko yon sayo kung hindi kita asawa?" "That's bullshit, Ronald! Oo asawa mo ako pero hindi mo ako kailangang babuyin ng ganito." walang patid ang pag agos ng luha ko. Hindi naman sa pag iinarte pero iba ang pakiramdam ko sa ginawa niya sa akin. "Love, please wag ka ng magalit. Ipapaliwanag ko naman sayo ang lahat." sabi niya sa akin. "Sa tingin ko kailangan muna nating maghiwalay Ronald. Gusto ko munang pag isipan ang lahat ng ito kung kaya ko pa bang tanggapin ang mga susunod na gagawin mo sa akin." "Ayan ba talaga ang gusto mo? Akala ko mahal mo ako at handa kang intindihin at unawain ako?" "Pinipilit ko namang intindihin ka, ang sakit lang na kailangan pang maging ganito kababa ang tingin ko sa sarili ko." "Please, Mika wag mo akong iwan. Pinipilit ko naman magbago diba nakikita mo naman, intindihin mo sana ako hindi naman to madali para sa akn. Hindi ko kontrolado ang sarili ko pag m************k ako sayo may kakaibang saya at satisfaction kapag nakikita kong nasasaktan ang kapareha ko. Please, ipapaliwanag ko sayo ang lahat pag nakauwi na tayo." pagmamakaawa niya sa akin. "Bakit hindi mo ito sinabi sa akin noon?" umiiyak ko pa ding sabi. "Dahil natatakot ako na baka iwan mo ako. Kaya nga sa tagal nating mag boyfriend/girlfriend pummayag ako na walang mangyari sa atin dahil natatakot ako na baka hindi mo ako matanggap." naiiyak niya ding sagot sa akin. "Ewan ko Ronald naguguluhan ako, nasasaktan ako sa ginawa mo sa akin. Pakiramdam ko ang dumi dumi ko ang baba ng tingin ko sa sarili ko." ani ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at mahigpit niya akong niyakap, yakap na nakakapagpalambot ng puso ko. Ganito ko ba siya kamahal? Na kaya kong tanggapin ang lahat kahit nasasaktan na ako? Mga tanong sa isip ko na hindi ko mabigyan ng tamang kasagutan. Pag sapit nang hapon ang naghanda na kami para mag check out sa hotel at umuwi na pabalik ng Manila. Buong biyahe ay hindi ako nagsasalita nakikita ko naman na todo alalay siya sa akin. Hindi ko pa lang kaya talaga na kausapin siya dahil hindi ko pa maiproseso sa utak ko ang mga nakikita kong pagbabago sa asawa ko. Gabi na nang makarating kami ng bahay, nag ligpit lang ako saglit at pagkatapos ay ginamot ko ang mga paso sa aking hita. Medyo kumikirot sila kaya kinailangan ko pang uminom ng gamot para maibsan ang kirot. Nandito ako ngayon sa kwarto habang si ronald naman ay nasa sala. Kinuha ko ang phone ko na sa table saka ako nag search sa internet kung ano ba ang nangyayari sa asawa ko para maintindihan ko siya. Habang nag sesearch ako ay may nabasa ako about sa b**m (Bondage, Discipline, Sadomasochism) is a term used to describe s*x that involves dominance, submission, and control. The practice typically involves one partner taking on a more dominant role during s*x, while the other is more submissive. Binasa ko ang buong article para mas lalo ko pang maintindihan ang asawa ko. At base nga sa mga nakasulat kailangan mapagkasunduan ng mag asawa ang mga bagay na gagawin nila para sa mas maayos at may limitasyon na pagtatalik. May mga ganun pa lang tao na kakaiba ang hilig sa pakikipagtalik ayon pa sa nabasa ko ang mga aktibidad na may kinalaman sa pagtali o pananakit ay dapat na pinag uusapan muna ng mag asawa. Dapat mayroong malinaw na hangganan at mga signal kung kailan titigil dahil ang anumang uri ng pananakit na hindi napagkasunduan ay itinuturing na pang aabuso. Kaya pala ang pakiramdam ko ay inabuso ako dahil wala akong alam sa kondisyon ng aking asawa dahil wala naman siyang sinasabi sa akin. Kaya may mga pagkakataon na sa tuwing nagtatalik kami ay nasasaktan niya ako dahil may kakaiba pala siyang ugali pag dating sa s*x. Nasa malalim akong pag iisip ng pumasok si Ronald sa silid namin na may dalang isang punpon ng pulang rosas. Iniabot niya sa akin ito kasama ng chocolate. "Love, im sorry kung hindi ko agad nasabi ang totoo. Sana maayos pa natin to, alam mong mahal na mahal kita at ayaw kong mawala ka sa buhay ko." pagpapakumbabang sabi niya sa akin. Ako naman bilang asawa at mahal ko siya ay lumabot ang puso ko para sa kanya. "Ronald, mas magiging maayos ang relasyon natin kung mag sasabi ka sa akin ng totoo. Para hindi ako makaramdam ng galit sayo, asawa mo ako dapat kapag may problema ka sabihin mo sa akin. Pwede naman nating pag usapan, nag search ako about sa condition mo at nabasa ko na mas magiging maayos daw kung mapag uusapan natin ito bago natin gawin. Payag ako sa kung ano man ang gusto mo basta sasabihin mo muna sa akin bago mo ito gawin para handa ako." sincere kong sabi sa kanya. Agad niya akong niyakap at nagpasalamat dahil naiintindihan ko siya. "My love, thank you for always understanding my flaws. I promise to be more open so that our relationship can be even better." umiiyak na sabi niya sa akin. Muli nagkaayos na naman kaming dalawa dahil mahal ko siya kaya handa akong magtiis para sa kanya. Ngayon paba ako susuko kung kailan kasal na kami. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na madami pa kaming pag dadaanan na dalawa at hindi ito magiging madali para sa akin pero pipilitin kong intindihin at unawain ang aking asawa. "Love, bati naba tayo?" tanong niya sa akin, isang tango lang naman ang naisagot ko saka ko siya niyakap at hinalikan sa labi. "Love, kamusta ang mga paso mo. Gusto mo ba na ipacheck up natin yan?" "Huwag na hindi naman na siya ganun kasakit saka baka bukas matuyo na din siya. Gagamutin ko na lang siya ng betadine mamaya pagkatapos kong maligo para agad na gumaling." Bigla na lang akong binuhat ng asawa ko kaya ang lakas nang tili. "LOve, ibaba mo ako baka mahulog ako." tumatawang sabi ko sa kanya. Dinala niya ako sa dining saka pinaupo sa upuan. "Kakain na tayo, pinagluto kita ng paborito mong sinigang na baboy na madamin taba. Alam kong namimiss mo na yan." malambing sa saad niya. Habang kumakain kami at pinagmamasdan ko si Ronald naisip ko na totoo pala ang sinasabi ng mga matatanda na hindi madali ang pag aasawa. Kailangan mo lagi timbangin ang sarili at unawain kung ano ba ang gusto mong mangyari para sa pamilyang binubuo ninyo. Mahirap sa umpisa kasi magkaibang tao kayo at habang nagsasama kayo ay madaming bagay kang madidiskubre sa kapartner mo. Nasa sa iyo na lang kung paano mo ito tatanggapin at ako bilang asawa ni Ronald handa ko siyang tanggapin kahit pa sa pinakapangit niyang ugali dahil mahal ko siya at sabay kaming sumumpa sa harap ng altar na For better or For worse sasamahan ko siya at hindi iiwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD