CHAPTER 7

1818 Words
MIKAELA "Mikay, blooming ka ngayon." sabi sa akin ni Faye. "Mukang okay na kayo ng asawa mo ah." "Okay naman kami minsan lang talaga hindi maiiwasan na magkatampuhan." "Ganun talaga ang buhay may asawa, wala naman perfect marriage. Kaya bilib ako sayo kasi lagi kang positibo sa lahat ng bagay." Inaabala ko na ang aking sarili sa pagtatrabaho, madaming kliyente ngayon dito sa Law Firm na pinapasukan ko kaya madaming files ang kailangan ayusin. Mabilis lumipas ang oras at hindi ko namalayan na uwian na pala. Niligpit ko na ang table ko pati ang mga gamit ko para makauwi na. "Mikay, sabay na tayo palabas, pauwi ka naba?" tanong ni Victor. "Oo, nag liligpit lang ako. Hintayin muna ako patapos na din naman." sabi ko kay Victor. Sabay na kaming umalis ni Victor ng office at pumunta sa sakayan. Iisa lang naman ang way namin mauna lang akong baba kesa sa kanya. "Mikay, kilala mo ba talaga ang asawa mo?" tanong niya sa akin habang nakatayo kami na nag aabang ng jeep. "Oo naman, bakit ano ba alam mo tungkol sa kanya?" "Wala naman natanong ko lang, basta mag iingat ka palagi. Kung may problema ka nandito lang ako, I'm willing to help." nakangiti niyang sabi. Nahihiwagahan man ako sa sinabi ni Victor ay hindi ko na lang pinansin. Sumakay na kami ng jeep at siya nagbayad ng pamasahe ko. Pumara na ako pag dating sa kanto malapit sa bahay namin. "Salamat sa libre, Vic. Next time ulit." paalam ko sa kanya. Kumaway naman siya sa akin kasabay ng pag andar ng jeep. Naglalakad na ako pauwi sa amin ng makasalubong ko ang kapit bahay namin si Ate Liza. "Mikay, sinong may birthday sa inyo? Ikaw ha hindi ka man lang nang iimbita." sabi ni ate Liza. "Ho! Hindi ko po alam pauwi pa lang po kasi ako galing sa trabaho." "Abay may mga tao sa inyo mga nag iinuman." sagot ni Ate Liza. Hindi na ako nagsalita may pagmamadali kong inihakbang ang aking mga paa para makarating sa bahay namin. Malayo layo pa ako ay dinig ko na ang malalakas na tawanan na nanggagaling ng sa amin. Binuksan ko ang gate at nakita ko ang mga lalaki at babaeng nag iinuman ang ikinabigla ko ang isang babae ay nakakandong pa sa asawa ko. Nagpipigil ako ng galit na lumapit sa asawa ko. "Ronald, pwede ba tayong mag usap sa loob?" pero imbes na pansinin ako ay ipinagpatuloy niya lang ang pag iinom. Ang walang hiyang babae hindi rin umaalis sa kandungan ng asawa ko. "Girl, nag iinom pa kami masyado kang kill joy." sabi sa akin ng babae na ikinainit ng ulo. Sa gigil ko ay hinablot ko ang buhok niya "Alam mong may asawa na kumakandong kapa! Kung nangangati ka pakamot ka iba! Huwag sa asawa ng may asawa! Wala kang kahihiyan nakita muna akong dumating parang ako pa ang kailangang mag adjust!" galit na galit kong sigaw sa kanya. Agad na nagtayuan ang mga kaibigan ni Ronald para pag hiwalayin kami. "Nakakabastos kayo! Dito pa talaga sa bahay natin kayo maglalampungan! Ikaw Ronald nasaan ang isip mo alam mong may asawa kang tao papayag kang kandungan ng kung sino-sino lang na babae!" galit kong sigaw sa kanya. "Magsilayas kayo dito!" nanginginig ang boses na sigaw ko sa kanila. Hinila ako ni Ronald sa loob ng bahay. "Mikay, ano bang nangyayari sayo? Bakit mo binastos ang mga bisita ko?" "Ako pa talaga ang bumastos sa kanila, eh ikaw anong ginawa mo? Asawa mo ako Ronald, kailan mo ba isasaksak sa utak mo na may asawa kana at hindi kana binata!" "Ano bang ikinagagalit mo? nakakandong lang siya sa akin wala naman kami ginagawang masama. Ang laki ng problema mo Mikay." katwiran niya sa akin. "Kandong lang, para sayo kandong lang yon at walang masama. Nag iisip kaba talaga! Nandito ako Ronald, asawa mo ako kung sayo balewala lang yon sa akin hindi. Tama bang sa harap ko mismo magkandunga kayo? Sige ikaw tanungin ko ayos lang ba sayo na kumandong ako sa ibang lalaki kahit nakaharap ka? Sagutin mo ako!" sigaw ko. Kasabay ng galit at panginginig ng katawan ko ang walang tigil din na pag patak ng mga luha ko. Ang dami ko ng tiniis para sa relasyon namin lahat ng kapintasan niya tinatanggap ko pero sobra naman yata ito. Sa sobrang sama ng loob ko ay iniwan ko na siya sa sala at pumasok ako sa kwarto namin para magpalamig nang ulo. Tinatanonong ko ngayon ang sarili ko kung saan ba ako nagkamali sa ilang taon naming pagiging mag boyfriend maayos naman kami. Napaka perpekto niya para sa akin pero bakit ngayon parang ibang tao ang pinakasalan ko. Meron pa bang mas sasakit pa dito. Oo nga't wala naman sila ginagawang masama at nakaka kandong lang pero bilang babae napasakit naman makita na may ibang babae na kumakandong sa asawa mo. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako nagising ako ng madaling araw n a ako nagising. Dahil malapit na din naman mag alas singko hindi na ako natulog bumangon na ako para maghanda sa pagpasok ko sa trabaho. Wala ang asawa ko dito sa tabi ko kaya akala ko ay umalis pa siya kagabi. Kinuha ko ang tuwalya at pumasok na ako sa banyo para maligo bago ako maghanda ng almusal at babaunin ko para sa pag pasok. Nang matapos ay agad na din aong lumabas at nagbihis wala akong gana dahil pakiramdam ko na drain na ako. Mag aalas sais na nag lumabas ako ng kwarto para mag luto ng almusal medyo madilim pa sa sala kaya nagbukas ako ng ilaw para lumiwanag. Umakyat lahat ng dugo sa ulo ko nang makita ko na magkatabi yung babaeng kakandong niya at ang asawa sa sala habang mahimbing na natutulog. Kinuha ko ang tambo at mabilis kong inihampas sa kanilang dala habang nanginginig ang katawan ko sa galit. Wala na akong pakialam kung saan sila matamaan. "Mga walang hiya kayo ang bababoy ninyo! Dito pa talaga kayo nagtabing matulog! Wala kayong kahihiyan!" umiiyak na sigaw ko sa kanila. Binitawan ko ang walis at lumapit ako sa babaeng katabi niya at hinila ko ang mahaba nitong damit at kinaladkad ko siya palabas ng pinto. Hindi pa ako nakakarating nang pigilan ako ni ROnald. "Mika, bitawan mo yan!" Utos niya sa akin. "Tumabi ka kung ayaw mong pati ikaw palayasin ko dito sa bahay! Napaka hayop mo, ang kapal ng muka mo Ronald hindi ka na kinilabutan sa kamanyakan mo." umiiyak kong sabi sa kanya. "Napaka hayop mo ROnald, lahat na inintindi ko sayo konting respeto lang hinihingi ko sayo di mo pa magawa. Naka ilang pangako kana sa akin mag iisang taon pa lang tayong kasal pero yung sama ng loob ko sayo hindi na mabilang."Umiiyak kong sabi sa kanya. "Love, hindi ko naman alam na magkatabi kami kagabi. Hindi ko nga alam na dito siya natulog." "Tama na Ronald, yung mga nakaraan napalampas ko at madali kitang napatawad pero hindi na ngayon. Sobra na tong ginagawa mo sa akin. Hindi ko na kinakaya yang kababuyan mo." sabi ko sa kanya. "Palayasin muna yang babae mo bago ko pa siya kaladkarin palabas ng bahay." utos ko sa kanya. "Tanga ka, akala mo napaka perpekto mong asawa. Bakit di mo tanungin ang sarili kung bakit nagkakaganyan ang asawa mo? Isang taon pa lang kayo pero mas gusto niyang ako ang kasama kesa sayo! Ang boring mo kasi pag dating sa kama!" sigaw sa akin ng babaeng haliparot. Dahil sa narinig ko nagpanting bigla ang tenga ko at agad ko siyang nilapitan. "Pak! Pak! Pak!" tatlong sampal ang pinadapo ko sa pisngi niya na naging dahilan para mapasadsad siya sa lapag. "Walang hiya kang babae ka!" sigaw niya sa akin akmang susugurin niya ako ng bigla ko siyang tadyakan kaya bulandra na naman siya sa dingding. Nilapitan ko siya at muling hinila ang buhok niya, saka ko siya hinila palapit sa pinto. Binuksan ko ang pinto saka ko siya itinulak palabas saka ko ito sinara at bumalik sa loob para kunin ang bag niya. "Love, tama na kawawa na siya," sabi ni Ronald. "P*tang Ina mo! Sa kanya naawa ka sa akin ano, okay lang mag mukha akong tanga dahil sayo. Wala kang kwentang asawa!" galit na sabi ko sa kanya. Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko na ikinahilo. Natigagal ako dahil sa ginawa niya hindi ako naka kilos dahil sa pagkabigla. "Mikay, sorry hindi ko sinasadya nabigla lang ako." sabi niyang takot na takot. Gusto niyang hawakan ang mukha ko pero hinawi ko lang ito. "Please, Mikay, im sorry hindi ko sinasadya." paulit ulit kong naririnig sa kanya. Pero para na akong bingi dahil ayaw ko nang marinig ang kahit na ano mang sasabihin niya. Pumasok ako sa silid namin at inilock ko ito, umupo ako sa kama at walang tigil ang pag agos ng luha ko. Nakakaramdam ako ng awa sa sarili ko habang patulog ang pag iyak ko. "Nagkamali ba ako ng taong pinakasalan? Hindi ito ang pinangarap kong buhay noong nag asawa ako. Akala ko magiging maayos ang pag sasama namin, pero bakit naging ganito?" tanong ko sa sarili ko. Dinig ko ang malalakas na katok ni Ronald sa labas ng pinto, pero mistula akong walang naririnig dahil sa galit na nararamdaman ko sa kanya. Gusto ko munang lumayo para makapag isip, habang maaga pa gusto kong makapag isip ng tama at kung ano ba ang pwede kong gawin. Kinuha ko ang telepono ko at agad na hinanap ang telephone number ng kaibigan kong si Enna. "Mikay, napatawag ka, may problema ba?" tanong niya sa akin sa kabilang linya. Pilit kong kinakalma ang sarili ko, kilala ko ang ugali nga kaibigan kong si Enna kapag nalaman niyang umiiyak ako tiyak na pupuntahan niya ako at baka madamay pa siya sa away namin ni Roland. Isa siya sa mga taong tumutol ng maging boyfriend ko si Roland dahil madami daw siyang naririnig na hindi maganda. Pero dahil nga inlove ako ay hindi ko siya pinakinggan. Maging sa kasal namin ay hindi siya pumunta dahil ayaw niya akong ikasal kay Roland. "Pwede ba tayong magkita mamaya? Na miss lang kita." sabi ko habang pilit kong pinapasigla ang boses ko. "Pwede naman tamang tama off ko ngayon, saan mo ba gustong magkita tayo?" "Pwede ba kitang puntahan jan sa apartment mo. Wala din naman akong pasok kaya pwede kitang puntahan diyan." "Oo ba, basta ba hindi magagalit ang asawa mo wala na man problema. Pm mo ako pag papunta kana para salubungin kita sa baba ng building." sagot niya sa akin. Matapos kong ibaba ang tawag ay agad akong nagligpit ng damit ko, mamayang bago mag alas dose na ako pupunta sa kaibigan ko pahuhupain ko muna ang pamamaga ng pisngi ko at ng mata ko. Ayaw kong makita niya ako ng ganito dahil malamang ay sermon ang abutin ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD