MIKAELA Isang bag ang bitbit ko ng lumabas nang kwarto, nakita kong nakaupo si Ronald sa sofa pero hindi ko pinansin. Tumayo siya at nilapitan niya ako para kunin ang dala kong bag. "Walang aalis ng bahay!" mahina ngunit may diin niyang sabi. Hindi ko siya pinansin at hinila ko lang ang bag ko. "Love, kung galit ka sa akin naiintindihan ko naman, pero wag ka naman sanang umalis ng bahay. Pagh usapan natin to. Hindi naman masusolusyonan ang problema natin kung aalis ka." muli niyang ani. "Bitawan mo ako Ronald, ubos na ubos na ako sayo. Ilang beses mo ba ako dapat babuyin para para lang maisip mo ang mga ginagawa mo sa akin. Hindi ako bayarang babae para ganyanin mo ako. Sa ating dalawa ako ang laging nagpapasensya, lahat ng pagkukulang mo iintindi ko. Kulang pa ba? Dahil ba hindi a

