CHAPTER 4

1188 Words
MIKAELA Pumasok ako sa trabaho na masama ang loob sa asawa ko, gusto ko siyang kausapin kung bakit nag babago ang ugali niya pero hindi ko magawa. Ibang iba siya kumpara noong mag boyfriend pa lang kami na sobrang bait at lambing niya sa akin. Kaya nga maski ang magulang ko ay boto sa kanya dahil nakita nila kung gaano siya kaalaga sa akin. Never ko siyang nakitang nagalit noon, oo nag aaway kami pero yung normal na tampuhan lang ng boyfriend/girlfriend at hindi umabot sa sigawan. Hindi ako makapag concentrate sa trabaho dahil iniisip ko ang relasyon namin ng asawa ko. Kung paano ba magiging maayos ang pag sasama namin. Nasa malalim akong pag iisip nang lapitan ako ni Victor. "Hoy! Ang lalim yata ng iniisip mo? Nag away ba kayo ng asawa mo? Mukang mugto pa ang mata mo dahil sa pag iyak?" tanong ni Victor. "Ano ba kailangan mo?" matamlay kong sagot. "Pinapakuha ni Attorney yung report ng kasong hawak niya at pag aaralan nila." "Sinong kliyente?" "Yung nagpunta dito kahapon na nag aagawan sa lupa." "Ah! Okay saglit lang, ihatid ko na lang sa table mo hanapin ko lang." Mabilis ko din namang nahanap ang files na hinahanap sa akin ni Victor, tumayo ako at inihatid ko ito sa table niya. "Mika, sabay kana sa amin ni Faye mag lunch labas tayo libre ka namin." aya sa akin ni Victor. "Hindi na may baon naman ako saka dito na lang ako kakain natatamad din akong lumabas." pagtangi ko sa alok niya. "Mika, if you have a problem, you can tell us. We're here to listen." ngiti lang ang isinagot ko sa kanya at bumalik na ako sa pwesto ko. Kahit naman may problema ako ayaw kong mag kwento sa kanila ng about sa amin ng asawa ko. Ayaw kong sirain ang imahe ng asawa ko sa kanila, naniniwala pa din ako na parte lang to ng pagdadaanan naming problemang mag asawa at malalagpasan din namin ito. Natapos ang trabaho ko sa araw na ito, pakiramdam ko pagod na pagod ako habang pauwi ng bahay. Bukas ang gate at pinto ibig sabihin hindi umalis ang asawa ko maghapon. Wala akong imik na pumasok sa gate hanggang sa makapasok ako sa loob ng inuupahan naming bahay. Kung kaninang umalis ako ay maayos ko itong iniwan, ngayon ay napakaraming kalat. Ang mga plato ay nakatambak sa lababo at ang lamesa na hindi man lang pinunasan. Wala akong imik na pumasok sa loob ng kwarto namin para mag bihis. Nakita ko siyang lumabas ng banyo at bagong paligo. "Nandiyan kana pala, mahal. Pasensya kana hindi ako nakapaglinis kanina natulog kasi ako maghapon pero don't worry ako na muna ang bahala sa kusina at maglinis magpahinga kana alam ko naman na pagod ka." Malambing niyang sabi. Tahimik lang ako at hindi nag sasalita. Pumasok ako ng banyo para maghilamos at mag bihis na din. Paglabas ko sinalubong niya ako dala ang isang tray na may lamang juice at sandwich. "Love, mag miryenda ka muna at pagkatapos magpahinga ka muna ako na bahalang magligpit sa labas tatawagin na lang kita kapag kakain na. Sorry nga pala sa mga nasabi ko kanina puyat lang talaga ako kasi wala pa akong tulog. Wag ka nang magtampo bati na tayo." sabi niya. Tango lang ang tanging naisagot ko sa kanya. Dahil sa paghingi niya ng sorry ay agad na lumabot ang puso ko, biglang nawala ang sama nang loob ko sa kanya kanina. "Love, sya nga pala pinagsabihan ko na din si Mama. Sinabi ko na huwag ng hingi ng hingi at may asawa na ako ang sabi naman niya ay hindi na daw uulit. Hayaan muna yon ako na ang bahala sa kanya para hindi kana ma stress sa pamilya ko." muli niyang sabi. "Pasensya na din, wala na lang kasi akong pera kahapon sagad na din kasi ang allowance ko. Malayo pa ang sahod nating pareho kaya hindi ko siya nabigyan kahapon. Alam mo naman na kapag may sobra ako nagbibigay din naman ako. Ani ko sa kanya. "Huwag muna intindihin yon love, ayos na yon. Alam mo naman kasi minsan si mama hindi rin nag iisip ako lang kasi ang inaasahan nila ngayong nag asawa na ako syempre ang sweldo ko sayo na mapupunta hindi na kay mama." "Ayos lang naman na tumulong ka wala naman problema pero sana wag na sayo iasa kasi napagtapos muna yung dalawa mong kapatid dapat magtrabaho na sila para sila naman ang sumuporta kay mama. Kapag kulang saka tayo magbibigay pero yung iasa sayo lahat hindi na tama." "Hayaan muna love, nakausap ko na naman sila. Sana lang matanggap ni mama na may asawa na ako." Ibang iba ang magulang ko sa byenan ko, mababait ang magulang ko at hindi kami inoobliga na mag bigay sa kanila. Masisipag din sila maaga pa ay nasa sakahan na si Tatay at si Nanay naman ang nagbebenta ng mga gulay na inaani sa sakahan namin. Madalas kahit noong may trabaho na ako ay sila pa ang nagbibigay sa akin kaya nga mabilis akong nakaipon para sa kasal namin ni Ronald. Pagkalabas ni Ronald dito sa silid namin ay nakatulog ako, nagising na lang ako nang may maramdaman akong umuuga sa aking balikat. "Love, gising na kakain na tayo." dinig kong sabi niya. Pupungas pungas na idinilat ko ang aking mata. At sinalubong ako ng nakangiting mukha ng aking asawa. Sa isang ngiti niya lang biglang gumaan ang pakiramdam ko. Lahat ng sama ng loob ko kaninang umaga ay naglaho na sa ngayon masaya ako dahil naramdaman ko ulit ung Ronald na boyfriend ko. "Love, ibaba mo ako." kinikilig na sabi ko sa kanya dahil bigla niya na lang akong binuhat ng pa bridal style. "Love, huwag kang malikot baka mahulog ka ha...ha...ha..." sabi niya habang ang malakas na halakhak niya ang naririnig ko. Ang sarap sa tengang mapakinggan ang malakas niyang pagtawa pakiramdam ko wala nang katapusan ang kaligayahan ko. Dinala niya ako sa dining area namin at pinaupo sa upuan na katabi ng sa kanya. "Wow! Love may pa bulaklak kapa talaga, ang sweet mo naman. Halatang hindi mo naman ito pinaghandaan." natatawa kong sabi. "Love, wag munang batiin baka mausog. Minsan na nga lang ako mag effort para sa asawa ko eh. Puro na lang kasi sama ng loob ang nabibigay ko sayo nitong mga nagdaang araw bumabawi lang ako." nakangiti niya ding sagot sa akin. "Thank you love, atleast ngayon I feel special. Nitong mga nakaraang araw kasi pakiramdam ko hindi muna ako mahal. Alam ko naman na nasa adjustment stage pa tayo kaya iniintindi kita. Pero sana love pag mainit ang ulo mo mag sabi ka na lang sa akin pwede naman natin pag usapan pag may problema ka." sabi ko sa kanya. Ngayon ako nakakita ng pagkakataon para masabi ko sa kanya ang gusto kong sabihin ng hindi siya magagalit. Nakita ko na good mood sya kaya kinuha ko na ang pagkakataon para masabi ko kung ano ang nararamdaman ko. Mas gusto kong mapag usapan na namin ang problema para hindi na lumaki at maging mas maayos ang pag sasama naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD