CHAPTER 3

1442 Words
MIKAELA Alas singko na ng hapon ng lumabas ako sa aking trabaho, dumaan muna ako sa plaengke para bumili ng pwede kong lutuin para sa aming hapunan. Nag chat na din naman sa akin si Ronald na baka mga alas otso na daw sya maka uwi kaya kahit late ako magluto ay ayos lang. Naglalakad na ako pauwi sa bahay, dala ang pinamili ko sa palengke. Malayo pa ako pero tanaw ko na ang isang babaeng medyo may edad na nakatayo sa gate namin. Ano na naman kayang ginagawa dito ng byenan ko? Tanong ko sa isip ko. "Magandang gabi po ma! May kailangan po ba kayo?" bungad ko. "Bago mo ako tanungin pwede ba papasukin mo muna ako, saan ka na naman ba nagpunta at ngayon ka lang umuwi!" galit ang boses na sabi niya. "Dumaan pa po kasi ako sa palengke para bumili ng uulamin namin mamaya." tipid kong sagot. Pag ka bukas ko ng gate ay nauna na siyang pumasok sa akin sa loob. Binuksan ko na din ang pinto dire diretso na siyang pumasok sa loob. "Anong oras uuwi ang anak ko?" mataray niyang tanong. "Ang sabi niya po kanina ay baka malate po siya, baka mga alas otso pa po siguro." "Ganoon ba? Pahiramin mo muna ako ng pera at may babayaran lang ako bukas ng umaga. Hindi na pwedeng hindi bayaran yon dahil nakakahiya na." diretsang sabi ng byenan ko. "Ma, diba kabibigay lang ni Ronald kagabi sa inyo. Wala na po kasi akong extra dito malayo layo pa po ang sahod, yung ibinigay po sa inyo kagabi ng anak ninyo ay galing na po yon sa akin." magalang ko pa ding sagot sa kanya. "Pupunta ba ako dito kung may natira pa sa ibinigay kagabi ni Ronald. Ayan ang sinasabi ko sa anak ko na piliin ang mapapangasawa niya yung hindi madamot. Bakit pa kasi ikaw ang pinakasalan, mabuti nang si Shery na lang sana at hindi madamot sa amin." Pang iinsulto sa akin ng byenan ko. "Ma, hindi naman po sa nagdadamot, kung meron lang po ako ngayon bakit po hindi ako magbibigay. Malayo pa po kasi ang sahod ang natitira na lang po ang ang buget namin para sa pagkain at pamasahe araw araw." paliwanag ko sa kanya. "Makakarating to sa asawa mo, ayaw na ayaw niya ang pinagdadamutan ako. Kapag inaway ka ng asawa mo hindi ko na kasalanan yon, madamot ka sa magulang niya kay deserve mo kung ano man ang gawin sayo ng anak ko!" galit na galit na sabi ng byenan ko. Ipapaliwanag ko na lang kay Ronald kung sakali mang magalit siya sa akin. Totoo naman na kapag binigay ko pa ang pera ko sa kanya ay ako naman ang mamomroblema kung saan mangungutang. Sa totoo lang halos sa kanila na nga napupunta ang pera nang asawa ko. Ang perang ginamit namin sa kasal malaking parte noon ay pera ko dahil hindi naman kinukuha nila nanay ang sweldo ko. Hindi ko na inabala ang sarili ko na pansinin pa ang galit ng byenan ko. Alam ko naman na noon pa hindi niya ako gusto para sa anak niya at wala akong pakialam hindi naman siya ang pakikisamahan ko. Bahala siya kung magsumbong siya sa asawa ko, siguro naman hindi siya agad nito paniniwalaan. Pumasok na ako sa kusina at ibinaba ko ang mga pinamili kong pang ulam namin. Saka ako dumiretso sa aming silid para magbihis, pagkabihis ko ay bumalik na ako sa kusina dala ang aking cell phone para magluto. Hindi pa ako natatapos magluto ng tumunog ang telepono ko. Nakita kong tumatawag so Ronald, dinampot ko ito saka ko sinagot. "Hello mahal," bungad ko. "Ano ang sinusumbong sa akin ni Mama na pinagdadamutan mo daw siya?" sabi agad ng asawa ko. "Eh! Kasi nanghihingi na naman ng two thousand alam mo naman na wala na akong pera diba. Huli na yung binigay ko sayo kagabi, kapag binigay ko pa ang tira mawawalan naman tayo ng pambudget dito sa bahay at pamasahe ko papasok sa trabaho." "Samantha naman, pera lang yan sana ibinigay muna kay mama yung hinihingi niya. Pwede ko naman palitan kung ano man ang naibigay mo sa kanya." "Mahal, diba sinabi ko na din sayo kagabi na last na yung 3 thousands na binigay ko sayo. Ang sahod mo diba halos lahat ibinibigay muna sa kanila hindi mo naman akong narinig na nagreklamo pero wag naman sanang pati ang sahod ko. Kasi kung ibibigay ko pa ito ako naman ang mahihirapan." paliwanag ko. Pero nagulat ako ng bigla na lang niya akong murahin. "Tang ina naman Mika! Para namang ibang tao yung humihingi sayo! Nanay ko ang pinag uusapan natin dito hind ibang tao!" galit na sigaw niya sa akin sa telepono. Dahil sa pagkabigla ko ay bigla kong napatay ang tawag niya, ilan ulit pa siyang nagtangkang tumawag pero hindi ko na sinagot. Sobrang sama ng loob ko sa sinabi niya, hindi niya man lang pinakinggan ang dahilan ko. Ang mama niya lang ang pinaniwalaan niya, asawa niya na ako dapat pinakinggan niya din sana ako. Mabilis ko lang na tinapos ang niluluto ko, pakiramdam ko pagod na pagod ako. Gusto ko ng matapos ang ginagawa ko para makapag pahinga na ako. "Mika, relax umpisa pa lang to wala pa kayong isang buwan na mag asawa at magkasama sa iisang bubong. Madami ka pang sama ng loob na pagdadaanan, kaya dapat maging matatag ka lang." sabi ko sa sarili ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako, naalimpungatan ako dahil akala ko dumating na ang asawa ko. Pagtingin ko sa wall clock ay ala una na nang madaling araw pero wala pa din si Ronald. Kinuha ko sa cellphone ko at tinignan ko kung may chat ba siya sa akin. Wala man lang kahit isang chat para ipaalam sa akin kung anong oras siya uuwi. Hinanap ko ang number niya at nagtipa ako nang message sa kanya. Tinanong ko kung bakit hindi pa siya umuuwi ala una na nang umaga. Pero kahit isang reply wala akong natanggap. Hindi na ako nakatulog dahil sa pag aalala sa kanya. Kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko na baka maya nangyari nang masama sa kanya. Kahit ayaw ko pang matulog ay pinilit ko na ang sarili kong pumikit para matulog maaga pa ang pasok ko bukas at ayaw kong malate ako sa trabaho. Kinaumagahan pag gising ko ay wala pa rin sa tabi ko sa Ronald. Lumabas na ako ng kusina para maghanda at nakita ko siya sa sofa na mahimbing ang tulog. Pinulot ko ang mga damit niyang nakakalat at dinala iyon sa laundry area. Kinapa ko muna ang mga bulsa ng pantalon niya bago ko ito isalang at nagtaka ako bakit meron siyang sigarilyo sa bulsa gayong hindi naman siya naninigarilyo. Hindi ako nakatiis naiinis ako na may sigarilyo siya sa bulsa gayong alam kong wala naman siyang bisyo. "Ronald, bumangon ka nga jan!" inuga uga ko ang katawan niya para magising siya. "Ano ba Mika? Hindi mo ba nakikita na natutulog ang tao. Kung ayaw mong matulog magpatulog ka. Antok na antok ako kaya pakiusap patulugin mo muna ako." "Ano to? Bakit may sigarilyo sa bulsa mo?" "Bakit mo pa tinatanong sa akin? Alam mo na palang sigarilyo yan. Bobo kaba o nagtatanga tangahan ka lang. Pwede ba Mika tigilan mo ako ng kaartehan mo." "Bakit ka nga may sigarilyo? Sagutin mo ako!" halos mangiyak ngiyak ko nang tanong sa kanya. "Tang ina naman sam kahapon kapa nakakainit ng ulo. Ano ba ginagawa sa sigarilyo" napaka tanga mo naman kung hindi mo alam." "Alam ko! Ang tanong ko naninigarilyo ka na ba?" "Ano naman kung naninigarilyo ako? May problema ba? Hindi kita nanay para pagbawalan ako sa kung ano man ang gusto kong gawin sa buhay ko. Asawa lang kita kaya ilugar mo ang sarili mo sa akin. Kung alam ko lang na maaga pa magbubunganga kana hindi na sana ako umuwi dito!" sigaw niya sa akin. Binalibag niya sa akin ang throw pillow bago niya ako iniwan at pumasok sa kwarto namin. Naiwan akong tulala at nangingilid ang luha, hindi ako sanay na sinisigaan kaya hindi ko matanggap na ganun ang ginawa niya sa akin. Kahit masama ang loob ko pinilit kong mag luto ng babaunin ko. Hindi na ako nag handa ng almusal dahil wala naman bawas yung niluto ko kagabi. Mabilis akong kumilos gusto ko nang makaalis dito sa bahay para hindi ko na maisip ang mga sinabi sa akin ni Ronald. Sa ipinakita niya kanina mas matimbang nga talaga ang nanay niya kesa sa akin, para siyang mama's boy na sunod sunuran sa gusto ng kanyang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD