CHAPTER 2

1417 Words
MIKAELA Matapos ang kasal namin ni Ronald ay lumipat na kami sa apartment na nakuha namin dito sa Tondo. Malapit lang ito sa aming trabaho kaya mas pinili na namin na dito kumuha ng apartment. Ang una kong ginawa ay buksan ang mga regalong binigay ng mga ninong at ninang namin sa kasal. "Love, saan kaya nating pwedeng ilagay itong ibang rice cooker. Tatlo kasi ang regalo sa atin hindi naman natin pwedeng gamitin ng sabay sabay." sabi ko sa asawa ko. "Itabi na muna natin para kapag nasira ay may pamalit tayo." sagot niya. Hapon na nang matapos kaming mag ligpit dito sa aming apartment, hindi naman siya malaki. Sakto lang sa amin may dalawang kwarto sala at kusina. May dalawa din bathroom isa sa kwarto namin at isang common CR sa labas para kapag may bisita. Naupo ako sa sofa dahil nakaramdam ako ng pagod, nilapitan naman ako ng asawa ko at binigyan niya ako ng isang basong tubig. Wala na akong mahihiling pa dahil ibinigay na sa akin ng Diyos ang pangarap kong asawa. Mabait at maalaga si Ronald sa akin, kahit noong magkasintahan pa lang kami ay walang araw na hindi niya sa akin pinaparamdam kung gaano ako ka espesyal sa kanya. "Love, may pasok na tayo bukas, ano ba ang magiging set up natin?" sabi ko sa kanya. "Kailangan paba nating pag-usapan yan, natural ikaw ang babae kaya obligasyon mong gawin ang mga kawaing bahay. Hindi naman kita pinipilit na magtrabaho, pwede kang tumigil at gampanan ang pagiging asawa sa akin." "Pero love, sayang naman kung titigil ako sa trabaho ko. Maganda din ang sahod ko at malaki ang maitutulong sa bayarin at gastusin natin dito sa bahay." sabi ko sa kanya. "Ayon naman pala eh, di wala na tayong pag uusapan. Ikaw ang gustong magtrabaho, hindi kita pipigilan kasi yan ang gusto mo. Pero huwag kang mag rereklamo sa akin na napapagod kana dito sa bahay dahil hindi naman kita pinilit na magtrabaho sa labas. Alam mong kaya kitang buhayin at kahit hindi ka magtrabaho ay mapapakain naman kita." sagot niya sa akin. Ramdam ko ang inis niya dahil ang boses niya at medyo galit na. Hindi na ako nakipag talo sa kanya tumayo na ako at nagpunta sa kusina para mag luto ng hapunan namin. Pakbet at pritong isda ang niluto kong ulam namin. Nang matapos akong mag luto ay pumasok na ako sa silid namin para maligo. Hindi rin naman ako nagtagal at lumabas na din ako para maghain ng aming kakainin para sa hapon. "Love, halika na nakahain na, kain na tayo!" tawag ko sa kanya. Agad din naman siyang sumunod pumuwesto na nang upo sa katapat kong upuan. "Love, may pera ka pa ba jan? Nag text kasi si Mama nang hihingi nang pera wala na daw sila pang gastos." "May pera naman ako dito pero baka kasi hindi na umabot sa katapusan pag binawasan ko pa. Kailangan ba na ikaw pa din ang mag bigay sa kanila kahit may trabaho naman ang dalawa mong kapatid." sabi ko sa kanya. "Alam mo kabago bago pa lang natin nagdadamot ka na sa pamilya ko. Kung ayaw mo silang tulungan wag ka nang magsalita nang hindi maganda." naiinis niyang sabi. "Hindi naman sa ayaw tumulong. Diba kabibigay pa lang natin sa kanila kahapon ng five thousands bago sila umuwi? Napakabilis naman yatang maubos, may pamilya na din tayo hindi naman masama tumulong basta sobra." katwiran ko sa kaniya. Hindi na siya nag salita, tumayo siya at iniwanan niya ako ditong mag isa sa dining table. Naninibago ako ngayon sa kanya, noon hindi ko nakita ang ganitong ugali niya. Napakabait niya sa akin nagkakatampuhan kami noon pero saglit lang nag kakaayos din agad. Alam ko na siya ang bread winner sa pamilya nila pero napagtapos niya na ang dalawa niyang kapatid. Kaya nga pumayag na akong magpakasal sa kanya dahil tapos na niya ng pag aralin ang dalawa niyang kapatid. Ayaw ko nang pagtalunan namin ang bagay na ito kaya ako na ang unang nagpakumbaba. Pumasok ako sa kwarto namin para kumuha nang tatlo libo para ibigay sa mama niya. "Love, huwag ka nang magalit, ito na ang talong libo manghihiram na lang ako pagkinulang tayo. Pero sana love last na muna yan kakapusin na talaga kasi tayo." malumanay kong sabi sa kanya. "Salamat mahal, kaya love na love kita alam kong di mo matitiis ang pamilya ko. Hayaan mo love babawi ako sayo, kapag natanggap ako sa bagong trabahong inaapplyan ko hindi na tayo kakapusin mas malaki laki kasi ang magiging sahod ko dun." "Talaga ba love, sana nga para mabilis tayong makaipon at makabili ng bahay. Ayun lang ang pangarap ko ang magkaroon tayo ng sarili nating bahay. Para pag nagka anak na tayo hindi na tayo nangungupahan." nakngiti kong sabi sa kanya. "Hayaan mo love, matutupad lahat ng pangarap natin. Pangako ko sayo ibibigay ko ang lahat para maging masaya, mahal na mahal kita, love. Pasensya ka na kung minsan mabilis uminit ang ulo ko, pinipilit ko naman baguhin ang ugali ko na yon alam ko na baka natatakot na kita." Malungkot niyang sabi. "Nasa adjustment stage pa naman kasi tayo love, ganun talaga dahil bago pa lang tayo. Saka normal lang naman sa mag asawa ang nagkakatampuhan basta ang mahalaga at the end of the day huwag natin hahayaan na matutulog tayong masama ang loob sa isa't isa. Okay ba ang ganun love?" "Promise love, pipilitin kong magbago para sayo, salamat at lagi mo akong naiintindihan. Kahit minsan alam kong nasasaktan na kita, pero pinipilit mo pa ding intindihin ako. I love you, Love!" malambing na sabi sa akin ng asawa ko. Maraming bagay pa kaming pagdadaanan, simple pa lang ang pinag kakatampuhan namin ngayon. Darating ang time na mas malalaking problema pa ang haharapin naming dalawa, pero bilang asawa niya sisiguraduhin ko na handa akong makinig at intindihin siya. Kinabukasan ay maaga akong gumising para maghanda ng almusal naming mag asawa. Nagluto na din ako nang baon namin para hindi na kami bibili. Isa akong office staff sa isang maliit na law firm kaya hindi naman ganun kalakihan ang sahod ko. Ang asawa ko naman ay isang maintenance sa isang pabrika kaya above minimum lang din ang sahod niya. Pareho naman kaming may tinapos pero napakahirap makahanap ng tarabahong may malaking sweldo sa panahon ngayon. "Love, huwag muna akong hintayin mamaya at may overtime ako." paalam sa akin ni Ronald. "Mga anong oras kaba uuwi, tawagan mo ako kung gagabihin ka para alam ko." Ibinalot ko na ang baon niya at inilagay ko na iyon sa bag niya, inayos ko na din ang gamit ko at sabay na kaming lumabas ng bahay. Naghiwalay lang kami nung nasa sakayan na kami ng Jeep, magkaiba kasi ang sasakyan namin papuntang trabaho. Maghapon kong inabala ang sarili ko sa pagtatrabaho nang malapit nang mag lunch break ay nilapitan ako ng katrabaho kong si Faye. "Mikaeka, hindi ka paba kakain? Halika na sabay na tayo para makahingi ako nang ulam sayo." biro niya sa akin. "Mikaela, ikinasal ka ba?" tanong naman nang katrabaho naming si Victor. "Bagong kasal ka lang pero hapit na hapit ka agad sa trabaho. Dapat nasa honeymoon stage pa kayo ng asawa mo eh, kung ako ang pinakasalan mo gagawin kitang reyna ng buhay ko." Muling biro ni Victor. "Tigilan mo ako Victor ng mga banat mo, baka marinig ka ni Alyssa pagselosan pa ako. Ikaw din baka imbes na sagutin ka mabasted ka tuloy dahil sa inis sayo." sabi ko sa kanya. Kinuha ko na ang baon ko at inilagay na ito sa maliit na table na kinakain naming mga empleyado. "Wow! Ang sarap naman ng ulam mo Sam, ang swerte ng napangasawa mo. Maganda kana magaling ka pa mag luto." puri ni Victor. Isang tipid na ngiti lang ang isinagot ko sa kanya, ayaw ko nang patagalin pa ang pag uusap namin. Matagal na siyang nagpapahaging sa akin na gusto niya ako. Dinadaan niya lang sa biro pero alam kong may laman ang sinasabi niya. Minsan ko na din siyang sinabihan na tinigilan niya na ako dahil ayaw kong pagmulan ng away namin ni Ronald kapag narinig ang sinasabi niya. Dumarating pa naman minsan dito ang asawa ko ng walang pasabi baka ma timingan niyang binibiro ako ni Victor eh, iba ang isipin niya. Isa kasi sa ugali ni Ronald ay ang sobrang seloso kaya hanggat maiiwasan ko, ako na ang nag aadjust para hindi siya makaramdam ng selos sa kahit na kanino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD