"Bilib ako sa babaeng 'yun, hindi mo alam kung yelo o ano. Hindi man lang tinablaan ng charm ko," pabulong-bulong ang binata. Nasa washroom sya na malapit sa lobby kung saan allowed ang outsiders maghintay. Pagkatapos makapaglinis ng sarili ay lumabas na din s'ya ng gusali. Bagsak ang balikat na umuwi ng bahay si Diego. "Ano'ng nangyari sa kausap ko at bigla hindi ito nagparamdam?" tanong n'ya sa sarili. Wala naman s'yang ginawa na ikagagalit nito. In fact, nag enjoy sila pareho nung weekend. "Bahala ka nga, kung ayaw mo na okay lang madami pa naman dyan," pangongonsola n'ya sa sarili. "Nak, akala ko ba gagabihin ka?" salubong ng mama n'ya. Nagmano s'ya sa mga magulang. "Malamang na-indyan ng kausap," pambubuska ng kapatid. Patawa-tawa pa ang loko. Nakaupo ang mga ito sa komed

