Pagkatapos ng mahaba at masayang weekend kanya kanyang balik na sila sa normal routine. Kailangan din magtrabaho para sa ekonomiya. Hindi maaring palaging happy hours ang atupagin. Magiging abala ang lunes para sa lahat. Kung maari lang ay i-skip na ang araw ng lunes at diretso na magbyernes. "Kuya, tapos ka na ba dyan?" sigaw ni Ellie. "Oo malapit na," sagot ng binata. As usual madaming kliyente ang nakapila sa shop. Tumulong na din si Diego sa paggawa ng mga sasakyan na kailangan ng maintenance. Madali lang sa kanya ang gawain dahil hindi naman ito nagkakalayo sa kursong kinuha at sa uri ng trabaho na kanyang pinasukan. Bago s'ya sumabak sa trabaho ay madaming trainings at certifications din ang kanyang napagdaanan upang maging handa sa anumang ibibigay sa kanya na trabaho. Isa din i

