Sa unang pagkakataon ay ayaw pa sanang bumangon ng dalaga mula sa pagkakahiga. She must admit it na na-enjoy n'ya ang weekend kasama hindi lang ang pamilya kundi pati ang boss n'ya. Hindi n'ya mawari ang dahilan ngunit pakiramdam n'ya ay gusto nito makipaglapit sa kanya. Hindi ito ang una na may lalaking nagkainteres sa kanya. Madami ang humahanga sa dalaga ngunit ni isa ay walang nagtagumpay. Siguro nga mataas ang standards n'ya o sadyang nagpapaalipin pa din s'ya sa takot na magaya sa ina. Hindi s'ya sigurado sa talagang pakay ng boss hangga't hindi ito pormal na magpaalam sa kanya. Ang alam n'ya professional approach lang dapat ang gagawin n'ya dahil 'yun naman talaga ang tama. Iniiwasan n'ya magkaroon ng involvement sa kahit kaninong katrabaho lalo pa sa employer n'ya. "Good morning!

