Kinabukasan ay maagang nagising ang binata upang makapagpapawis sa loob ng kanilang village. Pinaghahandaan n'ya ang kanyang pagbabalik sa bar at pupunta s'ya sa birthday ng kaibigang si Sandro. Hindi n'ya trip ang mga ganung okasyon ngunit bigla na lang pumasok sa kanyang isipan na dumalo upang mas matagal na makahalubilo ang mga ito. Alas singko ng hapon na n'ya napagpasyahan na dumaan ng Dave's pub upang maitanong ang tungkol sa babae na nakasama n'ya nakaraang gabi. Malayo pa lang ay nakangiti na ang staff sa reception. Lumapit si Diego rito upang magtanong. "Pare, naalala mo last time na nandito ako di ba?" bungad n'ya sa staff. "Yes po sir, bakit po?" tanong nito na nagtataka sa takbo ng kanilang usapan. "Medyo lasing na kasi ako nun, gusto ko lang sana malaman kung naalala mo ang

