Chapter 22 After shock

1834 Words

Iyon na siguro ang pinakamahimbing na tulog para kay Diego simula ng dumating s'ya ng Pilipinas. Kadalasan kasi ay apat hanggang limang oras lang ang pahinga n'ya dahil nauubos ang oras n'ya sa shop, sa pagpapasarap at kaiikot kung saan ang ganap kasama ang iba pang kaibigan. Ngunit madalas ay solo s'ya sa kanyang mga lakad. Laking pasalamat ng ina kung magawa n'yang mamalagi sa bahay ng isang araw sa isang linggo. "Saan ka na naman natulog bata ka?" nag-aalalang bungad ng ina. "Ma, sa isang kaibigan. Pauwi na rin ako," inaantok pa na sagot n'ya sa ina. "Sino'ng kaibigan? Kailan ka ba titino, Diego? Habang tumatanda ka ay palala ka ng palala ah," sermon ng ina. "Ma, ang sarap ng tulog ko tapos sermon ang ibubungad ninyo sa akin. Kumalma ka, pauwi na ang anak mo na pogi." Paglalambing

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD