Saglit lang na nakapagbihis ang dalaga upang sumama sa surprise date na pakana ni Mark. Naghihintay ang binata sa kanilang sala. Nakasuot s'ya ng simpleng sandal na kulay krema na katamtaman lang ang taas ang pink dress na hanggang tuhod. She looks fresher and younger. "Let's go!" excited na sabi ni Mark at nilingon ang mga kasama n'ya sa bahay. Kumakaway ang mga ito na halata namang masaya sa nakikita. "Enjoy kayo!" sigaw pa ni Tiyang Marie bago pa tuluyang pumasok ang mga ito sa loob. "Kumusta naman po sa opisina?" tanong ni Millen upang basagin ang katahimikan na namamayani sa kanila ng Boss. "Okay naman. Tambak ang trabaho pagbalik pero kaya naman. Ikaw kumusta ang bakasyon? Mukhang napasarap ang tulog mo ah, tamang tama dahil mapupuyat ka ngayon." Nakangisi na saad nito habang n

