Dalawang linggo pagkatapos ng bakasyon ni Millen sa Cagayan ay maraming pagbabago ang kanyang nararamdaman. Madalas ay inaantok s'ya, moody at irritable. Hindi naman s'ya ganun dahil madalas kahit na naasar na s'ya ay nagagawa pa rin n'yang makisama at magpakumbaba. Ngunit nito nakaraang araw ay naging sensitibo na s'ya sa lahat ng nakikita, naririnig at naamoy. Umaga pagkagising ay diretso na sa banyo sa kanyang silid ang dalaga. Masama ang bungad ng umaga n'ya dahil nahihilo s'ya at nasusuka. Ilang araw na s'ya nakakaramdam ng ganyan ngunit binabalewala n'ya. Maging ang mga kasama sa bahay ay nakakahalata na. "Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?" bungad ng ina na nag-aalala. Naririnig kasi nito ang ingay mula sa kanyang kwarto at dahil bukas ang pintuan ay agad na nakapasok ito. "Oka

