Gabi na makauwi ang dalaga at lahat ay nakaabang sa kanyang pagdating. As usual may dala s'yang prutas which is hindi normal sa kanya dahil simula ng na-diagnose s'ya ng hyperacidity ay umiiwas na s'ya sa mga maasim na pagkain at kasama na doon ang mga prutas. "Kumain ka na ba?" bungad ng ina. "Opo, busog po ako." Nakangiting sagot ng dalaga. "Kumusta ang resulta ng check-up mo?" curious na tanong ng ina dahil hindi batid sa kanyang mukha ang anumang pag-aalala bagamat maliwanag ito. "Okay naman po. Wala naman dapat ipag-alala." Maiksing tugon ng dalaga. "Eh ano ang dahilan kaya ka nakakaramdam ng kakaiba sa iyong katawan?" usisa ng ina. "Nay, ayoko mag-alala kayo at lalong ayokong sumama ang loob ninyo. Ang nais ko lang sana na maluwag na tanggapin ninyo ang desisyon ko dahil masaya

