Chapter 6 Dinner out

1544 Words
Pagkatapos ng pananghalian ay umakyat na ng opisina si Mark. First time n'ya na kumain sa pantry dahil kadalasan ay kung hindi man sa opisina ay sa labas s'ya kumakain. Noong hindi pa s'ya ang CEO ng kumpanya ay madalang na makikita s'ya sa gusali kaya halos wala s'ya gaanong kilala sa mga empleyado maliban sa ilan sa mga manager na madalas n'yang nakakasalamuha. Ngayon na s'ya na ang pinaka-big boss kailangan n'yang pumirme dito ng madalas. Natutuwa s'ya sa magkaibigan na sina Millen at Celia. Iba ang samahan ng dalawa. What's interesting ay ang nadiskubre ngayong araw tungkol kay Millen.  "I know she's something but I didn't expect she's someone who could actually live without a life. Is she really that careless and so heartless? She looks fine and lovable naman," curious na kinakausap ang sarili.   This woman is really different. He finds her really interesting and he wants to get know more of her. Wala naman sigurong masama if makipagkaibigan s'ya rito.   "Sir, excuse me po. Tumawag po kanina ang mama n'yo. Pinapasabi na callback n'yo po s'ya," paalala ng kanyang executive assistant.   "Sige, thank you Chel. My nabanggit ba s'ya what it's all about?" tanong n'ya.  " Wala naman po," sagot nito.  "Okay, I'll call her na lang," sagot ng binata.   Mamaya na n'ya ito tawagan. Malamang hindi naman urgent ang kailangan nito. Aaralin na lamang n'ya ang mga papeles tungkol sa kumpanya upang alamin kung ano pa ang maaring gawin sa ikakaganda ng takbo nito. May isang envelope na natawag ang pansin n'ya. Binuksan ito at naalala ang nilalaman ng envelop. Again it's about Millen. Ang kontrata na pinirmahan nito kasama ang profile mula ng nagsimula ito sa kumpanya. He is overly fascinated by this woman. He went over her profile. Nakakabilib ang naging achievements nito. Siguro totoo nga ang sinasabi ng kaibigan nitong si Celia. She needs to get some life. Maging s'ya ay over occupied na sa trabaho at nawawalan na ng oras para sa personal life. It's too early to say but he likes her. S'ya pa naman na he gets what he wanted. He is going to work hard for it to get it. Biglang nag-ring ang kanyang telepono.  "Hello Iho, how's work?" bungad ng mama n'ya.  "Hey Mom, everything's fine and I'm good. Madami lang trabaho. How are you two?" balik tanong n'ya rito.  "Okay naman na kami, when will you visit us ng Papa mo?" sagot sa kanya ng ina.   Naglalambing na naman ito. Matagal na din pala mula ng binisita n'ya ang mga ito. They own a farm sa Cagayan and he rarely visit the place. Kung kailangan lang n'ya mag-relax saka lamang s'ya mapadpad doon at kung hindi na n'ya kayanin ang pangungulit ng ina.  "Ma, I'll see you one of these days. I just need to sort things out and check on my schedule. Basta na lang ako susulpot dyan so don't worry," pangongonsola n'ya sa ina.   "Sige basta promise 'yan ha. I'm hoping may makakasama ka sa pagpunta mo rito," dagdag pa nito. "Ma, here we come again," natatawang sagot n'ya.  "Come on son, you're not getting any younger. You have been consumed by work. Kailangan mo din atupagin personal life mo lalo na dapat at nasa edad ka na," paalala ng ina.  "Ma, I knew that but there are things that we don't have to force to happen. It will come eventually," sagot n'ya. "Alright son, I just want to remind you dapat may kasama ka sa pagpunta dito," sabi na lang nito sa kanya.  "Fine Mom, it doesn't matter if it's a friend di ba? Since I just need to bring someone for a company," nangingiting saad n'ya.  "It would be better if she's someone special," panunukso pa ng mama n'ya.   "Sige na, I just called to say how are you and to remind you. That's all," pamamaaalam nito.  "Okay mom, I love you! Take care the two of you, see you!" paalam n'ya sa ina.   Naiiling na lang ang binata sa naging pag-uusap nila ng ina. Alam n'yang sabik na din ito na magkaroon s'ya ng sariling pamilya. He is not in the rush. Pettics lang s'ya in the past three years. Ayaw n'ya i-pressure ang sarili. What's important is he doesn't waste his time into something that is not worth it. Patapos na ang oras ng trabaho. Wala na naman s'ya gagawin sa condominium unit n'ya dahil sa labas naman s'ya nakain and have a few sip saka matulog. He doesn't feel like doing that. He is getting bored. Lumabas s'ya ng opisina at past five na ng hapon pero may tao pa sa kabilang silid. Sinilip n'ya kung sino pa ang naroon.Nakita n'ya ang dalaga na abala sa desktop nito at puno pa din ng mga papeles sa table nito.   "Hey, you need help?" tanong n'ya rito.  Halatang nagulat ito.   "Hi Sir, ginulat n'yo naman ako. May tinatapos lang po ako at uuwi na din. Pinauna ko na si Karlie." Sagot ni Millen.   "All of that can actually wait. There's plenty of time. You still have tomorrow to do that," sabi n'ya rito.  "I know but I want to do some of it today para hindi naman ako over loaded in the next coming days, ikaw pauwi na din kayo?' tanong nito sa kanya.  "Yeah supposedly but I'm not going if you're not done yet," sabi n'ya at napahalukipkip habang nakatayo sa pintuan.  "I can go home anytime after this one sir, may sasakyan naman ako and I can drive myself home," sabi n'ya ng nakangiti.  "Yes maybe, so okay lang sa'yo na pinaghihintay ako?" tudyo n'ya sa dalaga.  "Are you serious?" nagtataka na ito sa inasal n'ya.  "I'm very serious," nakatitig na s'ya sa dalaga.  Nagsimula ng ma-conscious ang dalaga pero tuloy pa din ito sa ginagawa. Nang napansin na seryoso talaga ang kausap na hintayin s'ya ay bahagya itong namula at mabilis na tinapos ang ginagawa. Inayos n'ya ang mga papeles at hiniwalay sa isang folder ang mga kailangan pa n'yang tapusin the next day. Kung hindi lang nakakahiya ayaw pa sana nitong umuwi dahil wala naman s'yang gagawin sa bahay kaya mas prefer n'ya mag-stay sa opisina.  "What will you do after work?" pagbabasag nito sa katahimikan.  Napapangiti ito ng makitang malapit na n'yang matapos ang ginagawa. Effective ang ginawa n'ya upang mapasunod ito.  "I'll go home and have my dinner then rest," matipid na sagot n'ya.  "Isn't that boring?" tanong ng binata.  "I don't find that boring. I guess I deserve peace and have some rest after a long day at work," tipid ang ngiti na sagot n'ya.  "Yeah maybe, why don't you come with me now. Let's dine together kahit dyan lang sa malapit na kainan," aya nito.  Napanganga ang dalaga. Ayaw man n'ya bigyan ng malisya pero wala pang naglakas loob na ayahin s'yang lumabas. Hindi n'ya maisip papaano na boss pa n'ya ang unang gagawa nun.   "Ayaw mo?" untag nito.   "Gaano kalapit mula dito?" sabi n'ya.   "Akala ko ayaw mo eh hahaha, just a short minute walk from here lang. We can walk while talking on our way going there or we can take my car saka natin balikan sasakyan mo rito pag-uwi,"sagot nito.   "Okay we can walk para makpag unat-unat na din", nakangiting sagot n'ya.   "Mill I know you're uncomfortable with me but don't get intimidated or anything, okay?" saad ng boss.  He is trying to be nice so she'll feel comfortable with him.   "I don't have problem with that, Sir. I am not just used to going out with anyone especially with the boss so somehow it's really awkward, you know," pahayag ng dalaga.  "I don't see anything off with that though," natatawang sagot ni Mark.   Mabuti at wala na gaanong tao sa loob ng gusali kaya parang wala lang dn na magkasama ang dalawa. Naglalakad na sila patungo sa isang restaurant na tinutukoy ni Mark. Hindi n'ya mapigilan ang mapangiti habang naglalakad.  "What's with the smile Millen?" tanong ng nagtatakang boss.  "Just nothing sir, natatawa ako sa sarili ko dahil sa tinagal tagal ko dito hindi ko man lang napansin na may ganitong kainan pala dito malapit sa opisina," natatawang sagot ng dalaga.  "Really? Wow, sa'ang mundo ka ba nakatira?" tawang-tawa si Mark sa dalaga.  "May sarili akong mundo," natatawa pa rin ang dalaga.   Papasok na sila ng restaurant at makikitang kilala na si Mark sa lugar dahil asikaso sila ng mga staff pagbungad palang nila ng pintuan. Isa itong seafood restaurant. Isa ito sa paborito ni Mark dahil fresh at masarap ang mga putahe hinahain dito. Samantala si Millen ay iniikot ang paningin at namamangha sa nakikita. May mga live seafoods sa paligid. Customers ang s'yang pipili kung alin ang gustong ipapaluto at kung anong luto ang gagawin based sa kanilang menu list.  "What do you want for dinner?" untag ng binata.   "Up to you ikaw naman ang nag invite sa akin at magbabayad eh," nasagot ng dalaga.  "It's okay mamili ka kung ano ang gusto mo," fascinated na sagot ng binata.   "Okay lang ikaw na bahala, basta seafoods gusto ko yan. Madalang at special na sa amin basta seafood masarap yan," tulak ng dalaga.   Um-order na ang binata habang ang dalaga ay hindi nagsasawang mag-ikot at panuorin ang pag-prepare sa mga lamang dagat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD