It's the first time after three years that Mark has invited someone over to have a dinner with him sa isa sa pinakapaborito n'yang restaurant. Titig na titig s'ya sa kasama na obvious ay amazed sa lahat ng nakikita. He wonder how could this woman survive for decades of her life without getting the kind of simple joys that someone must enjoy.
"Mill, when was the last time you hang out with friends?" tanong n'ya sa kasama.
"Honestly? I guess four years ago, and that's when Celia got married. It was her wedding day," nakangiting sagot nito.
"Talaga ba? And you call that a hang out? Millen, that was an occasion and I don't consider that as a "hang out" with friends," pang aalaska n'ya sa kausap.
"Well, for me it is," taas kilay na sagot sa kanya.
"Hahahaha, I can't imagine myself being on your shoes," sabi n'ya dito.
"You must say that dahil hindi naman talaga madali," sabi ng dalaga.
"It really is, I can see that." Maagap na sagot ng binata.
"Alam mo you need to get off some time, take a break," dagdag pa ng boss.
"Off? I have days off with family on weekends," sabat ng dalaga.
"What were you doing on weekends then?" tanong n'ya rito.
"I would go on grocery, date with my nanay and siblings and watch movies," simpleng sagot sa tanong n'ya.
Hindi s'ya makapaniwala sa kaharap. She was able to survive with repetitive routines without complaining at all, instead she enjoys them. Grabe ang babaeng ito.
"Have you been to other places like Antipolo or out of town trips?" tanong n'ya.
"Yes during college days, that was a school requirement," sagot ni Millen.
"What I meant is a trip to break the ice, like you travel for pleasure or leisure and not that type of trip for business nor a requirement. You do it to spoil yourself," paliwanag n'ya dito.
"Never done that, busy sa work kasi," pagdadahilan ni Millen.
"But have you ever thought doing that?" tanong n'ya sa dalaga.
"Why are you asking me these questions? Do I owe you an explanation why I am like this?" medyo naiirita na tanong ng dalaga.
Kung hindi lng n'ya ito boss baka nagkabuhol buhol na buhok nito.
"Sorry, kung na offend kita," paghingi n'ya ng dispensa.
"Wala po 'yun sir, I understand and most people would always think the same way about me but I don't care," sagot ng dalaga.
"What if I invite you for a short trip to the province, you might like it," pagkukumbida ng binata.
"Let's see, I'll think about that," sagot ng dalaga na mukhang hindi interesado.
Dumating na ang kanilang order. As VIP sa restaurant, they're being served like king and queen. Masasarap ang mga pagkain at high class ang service. Wala s'yang masabi. First time na kumain sa labas ng dalaga at kasama pa n'ya ang boss n'ya. Gusto sana n'ya kiligin pinipigilan lang n'ya ang sarili.
"Did you enjoy the food?" tanong ng binata.
"Yes, it was really good," sabi n'ya rito na may pa-thumps up pa.
Nag-eenjoy s'ya sa pagkain at sa uri ng serbisyo na meron dito. Magkano kaya mga food dito. Tiningnan n'ya ulit ang menu list at saka n'ya napansin ang mga presyo ng pagkain. Nanlaki ang mga mata n'ya. Di kaya tatlong araw ang bubunuin n'ya sa trabaho upang mabayaran ang presyo ng bawat putahe.
"Are you alright?" may pag-alalang tanong ng binata.
"I am doing just great, nakakabusog ang food," nasabi na lamang n'ya.
"Madalas ka ba dito?" tanong n'ya sa binata.
"Hindi naman madalas, it's been a while when I dine here," tipid na sagot nito.
"Ah kaya pala mukhang kilala ka na ng mga taga-rito," sagot n'ya sa binata.
"Kamusta naman first day mo sa new office?" pag-iiba nito ng usapan.
"Okay lang, madaming trabaho pero kakayanin. Nakakapanibago ganun," pagkkwento n'ya rito.
"That's normal, but if you get the hang of it. Sisiw na lang yan," pagpapalakas loob nito sa kanya.
"Over confident ka'yo sir ah," may tono ng panunukso sa boses n'ya.
"Bakit naman hindi, alam ko na makakaya mo kaya ka nga nakarating sa posisyon na meron ka kasi pinaghirapan at pinag-iigihan mo," sabay kindat nito.
Gustong lumukso ng puso n'ya sa pambobola nito.
"Sa totoo lang sir, ilan na ang dinala mo dito," tanong n'ya.
"Hahahaha ikaw pa lang after three years sa babae at mga two months with some friends," prangkang sagot nito sa kanya.
Hindi n'ya alam ang magiging reaksyon sa naging sagot nito sa kanya.
"Oh, natahimik ka yata," puna nito sa pananahimik n'ya.
Ngumiti na lang s'ya bilang sagot.
"I'm serious Millen, sabi ko sa'yo hindi ako madalas dito. By the way, can you stop saying po and sir kung tayo lang? Wala naman sigurong masama dun especially kung wala naman tayo sa opisina," mahabang litanya ng binata.
"Okay," tipid na sagot n'ya.
Natuon na ang pansin nila sa isang grupo na nsa entablado. Meron din palang naggigig dito. Nagsimula na ang mga ito kumanta at mayroon pa silang mga pa-special song request from their audience. Lumapit ito kay Mark at may binulong ang huli sa member ng grupo.
Maya-maya lamang ay nagsimula na silang magpatugtog. Nag-iindakan ang mga nasa entablado at kahit ang mga guests ay nakikisabay na din. Nag-eenjoy naman si Millen sa ambiance at sa tugtog nakikisabay din s'ya sa pagkanta ng mga ito.
"You look cute," bulong ng binata.
Nakiliti s'ya sa pagdantay ng hangin sa balat n'ya ng nagsalita ito. Napalingon lamang s'ya rito at ngumiti.
"She looks so innocent and vulnerable" naisip ni Mark.
Hindi magtatagal baka hindi na n'ya mapigilan ang sarili na tuluyang mahulog sa dalaga. Wala s'yang maipintas dito. Maswerte ang mapapangasawa nito. Jackpot ang sinumang gugustuhin ng dalaga.
Nag-offer ng wine ang waiter at nagpaunlak naman ang dalaga. Nilubos na n'ya ang pagkakataon na mag-enjoy. It was her first time and it feels good.
Nagpaalam sandali ang binata. Nagpunta ito sa kabilang table. Mukhang magkakilala ang dalawa. May kasama din itong napakagandang babae at mukhang classy.
Hindi n'ya maiwasan mapaisip.
"Ano'ng meron at andito s'ya kasama ang boss? Bakit ang bait nito sa kanya eh once pa lang sila nagkausap at 'yun ay tungkol sa promotion n'ya?" natanong n'ya sa sarili.
"I deserve everything I have pero ang mapalapit sa boss n'ya, 'yun ang hindi s'ya sigurado. Baka trip lang s'ya nitong paglaruan. Kung paglalaruan n'ya ako siguro pwede ko naman sakyan ang nais n'yang mangyari. Baka ito na ang sagot sa problema ko. He has all the qualities pero ang pagiging takot sa commitment? That's something I need to make sure of," sabi n'ya sa sarili.
Napapangiti s'ya sa naisip. Minsan talaga ay maharot at malikot din ang utak n'ya. Nahawa na yata s'ya sa kaibigang si Celia. Pag malaman ng kaibigan ang nangyari ngayong gabi, malamang uulanin s'ya ng tanong at panunukso nito. Hindi nagtagal ay bumalik na sa kanilang table ang boss ngunit may kasama na ito. Ito ang kausap n'ya sa kabilang table.
"Millen, I want you to meet George. He is a good friend of mine with his wife Carol," pagpapakilala nito sa kasama.
"Hi, nice meeting you!" bati ni George at nakipag-handshake ito sa kanya na s'ya namang tinanggap n'ya.
Ngumiti at tumango naman ang asawa nito.
"Ito na ba ang bago mong pagkaabalahan?" nanunuksong pambubuking nito.
"You better shut your mouth, George!" pambabara n'ya sa kaibigan.
"Hala sige na pare, we won't stay long. We'll just catch up on some other days," paalam ni George.
Sumenyas lang din ang mga ito sa kanya bago lumisan.
"Never mind George, palabiro at makulit lang din talaga 'yun just like Celia," nakangiting sabi nito.
"Walang problema, don't worry about me. Sanay na ako sa mga ganyang gestures," sagot n'ya.
Napatingin s'ya sa relos n'ya at napansing late na.
"It's nine na pala, hindi natin namalayan ang oras. Baka nag-aalala na ang nanay ko na hindi pa ako umuuwi," nag-aalalang sabi n'ya.
"Let's go, hatid na kita," sabi ng binata.
"It's okay, kaya ko naman," sagot n'ya rito.
"I know na kaya mo, let me accompany you kahit sa parking lot lang." Insist ng binata.
Napapayag s'ya na ihatid s'ya nito hanggang sa makasakay at makaalis na ang sasakyan sa gusali. Andami n'yang memories ngayong araw. First time na nag-enjoy s'ya kasama ang ibang tao maliban sa pamilya at kaibigan n'ya.
Hindi n'ya akalain na mapapayag s'ya ng boss na samahan ito sa pagkain.
Malapit na s'ya sa subdivision nang napansin na may nakabuntot sa kanya na itim na kotse. Kinabahan s'ya. Tumunog ang cellphone n'ya. Tumawag ang boss n'ya. Nagtatakang sinagot n'ya ang tawag nito.
"Don't be alarmed, it's just me. I just wanna make sure you arrived safely," sabi nito.
"Grabe ang kaba ko akala ko kung sinong criminal ang nakabuntot sa akin," sabi n'ya dito na medyo kalmado na.
"Hahaha it's just me so parang nahatid na rin kita. You take a good rest, tomorrow is another day. Goodnight" paalam nito.
"Thank you, goodnight and drive safely," huling nasabi na lamang n'ya.
Pagpasok ng bahay nakaabang ang lahat ng tao sa pagdating n'ya. Si Xenny, ang kanyang tiyang Marie at ang inang si Marina.
"Pasensya na hindi ko namalayan ang oras," paghingi n'ya ng pasensya na nag-alala ang mga ito.
"San ka galing bakit ngayon ka lang? Tawag kami ng tawag hindi mo sinasagot," panenermon ng ina.
"Pasensya na po hindi ko narinig ang tawag n'yo kasi nasa labas ako kasama ang boss, sinamahan ko s'ya kumain sa labas," pagpapaliwanag n'ya.
"Boss?Sino'ng boss?" tanong ng ina.
"Nay, 'yung bagong CEO. Nag-invite kasi na kumain sa labas so nakakahiya naman tumanggi kaya sumama na ako sa labas lang naman ng opisina," dagdag pa n'ya.
"Sino ang mga kasama n'yo?" pang-iintriga ng ina.
"Kami lang po, ako lang kasi naiwan sa office at nadaanan n'yang andun pa ako eh wala s'yang makakasama sa hapunan so niyaya ako at sumama ako," litanya n'ya.
"Babae o lalaki ba itong boss mo?" pangungulit pa nito.
"Nay, ang kulit n'yo naman andito na nga ako di ba," pagtatapos n'ya sa usapan.
"Bakit ayaw mo sagutin ang tanong ko?" tanong pa ulit nito. Hindi talaga ito titigil nang hindi nasasagot ang lahat ng katanungan nito.
"Lalaki po ang boss ko, okay na po?" sabi n'ya sa mga ito.
Napahiyaw sa tuwa ang ina at tiyahin.
"Nagdadalaga na ang anak ko, ay salamat naman!" natutuwang sabi nito.
"Finally, ate may pag-asa pa!" dugtong naman ng tiyahin.
Umakyat na ng kwarto ang dalaga upang tuluyang tapusin na ang usapan at ayaw na n'ya magkwento pa sa mga ito.