Gabi na nakatulog ang dalaga at last day ngayon sa opisina kailangan ay maaga s'ya upang matapos ang mga naudlot n'yang trabaho kahapon. "Goodmorning anak! Kamusta naman ang tulog mo?" pagbati ng ina. "Masarap po ang tulog ko," sagot n'ya na parang wala sa sarili dahil sa ginabi na s'ya ng tulog. "Eh bakit parang inaantok ka pa? Siguro hindi nakatulog kagabi 'noh dahil sa date n'yo ng boss mo? Iniisip mo ba s'ya bago matulog?" pangungulit ng ina. Ang aga-aga nito mangulit ngayon. Imbes na patulan ay walang kibo s'yang kumain at naghanda sa pagpasok sa trabaho. "Goodluck anak at enjoy your day! Excited na ako sa magiging kasunod ng date n'yo ng boss mo. Syempre gusto ko na din s'ya makilala sa personal," sabi pa nito. "Nay, ang advance n'yo mag-isip. Walang meron sa amin, okay? Dinn

