Sabado kaya walang pasok ang dalaga. Tinanghali s'ya ng gising. Nagising si Millen dahil sa ingay mula sa ibaba. Pupungas-pungas na bumaba s'ya upang tingnan kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga kasama sa bahay. "Nay, bakit ang ingay n'yo? Ang sarap pa naman sana matulog eh," reklamo ng dalaga. Nag-uunat habang pababa ng hagdan. "Anak, hindi mo naman sinabi na dadalaw ang boss mo ngayon eh sana nakapaghanda man lang tayo?" sabi ng ina. "Nay, ano'ng sabi n'yo?" nagulat s'ya sa sinabi ng ina. "Ang boss mo andito dinalaw ka. Ang gwapo naman pala anak. Naku, magiging magaganda at gwapo magiging apo ko kung sakali," tuwang-tuwa na sabi ng nanay n'ya. "Si Sir Mark, andito? Sigurado kayo?" paulit ulit na tanong n'ya sa ina. "Good morning Millen! Pasensya ka na, akala ko kasi maaga ka na

