Araw ng linggo kaya naka-rest mode ang karamihan sa kanila maliban kay Celia. Abala ito sa pag-asikaso dahil kaarawan n'ya. Naka-alis na ang asawa nitong si Sandro kaya ang anak, katulong at pamangkin lang nito ang kasama sa bahay. "Happy birthday!" bati n'ya sa kaibigan pagkakita rito na abala sa pagset ng mga upuan. "Friend, ang aga mo naman!" puna ni Celia sabay halik n'ya rito sa pisngi. "Siyempre ah," masayang sagot n'ya at inabot ang kanyang regalo na nakapaloob sa isang maliit na kahon. Nagulat ito dahil hindi nito inaasahan na maaga s'yang darating. Mamayang alas tres pa ng hapon ang selebrasyon. "Gusto ko makatulong para hindi ka masyadong mapapagod. Saan na ba ang inaanak ko?" sagot n'ya habang palinga-linga at may hinahanap ang mga mata. "Sa loob kasama ang mga pinsan n'ya

