"Good morning! mabuti pa ang iba masarap ang naging tulog," saad ni Diego na nagbibiro. "Palibhasa kasi puro kayo katarantaduhan kaya kulang ang tulog ninyo." Pasaring n'ya rito. "Ooooooops! Natulog ako agad pagkatapos ng party," depensa nito. Si Mark at Karlie ay tahimik lang samantala si Celia ay abala sa pagbabalot ng mga gamit ng anak. Gaya ng papunta nila ay sasabay sila sa kotse ni Mark pauwi sa kanilang mga bahay. Sa bulwagan sila para sa kanilang almusal at tanghali na ay hindi pa nagigising ang karamihan sa kanila dahil napuyat sa nagdaang gabi. "Friend, birthday ko sa susunod na linggo. Ano'ng regalo mo?" saad ng kaibigan. "Ano ba ang gusto mo?" balik tanong n'ya. Kararating lang nito galing ng kanilang silid habang s'ya ang pansamantalang nagbabantay kay Calib. "Magka-lov

