Excited si Diego sa kanilang first friendly date ni Millen. Ewan ba n'ya basta nais n'yang mapalapit rito. Aminado na s'ya na una pa lang n'ya nasilayan ito ay nakuha na agad nito ang kanyang atensyon. Sadyang mataray ito kaya hindi na s'ya nakipaglapit pa rito ngunit sadyang tadhana yata talaga ang gumagawa ng paraan para mas makilala n'ya ito. Sa hindi inaasahang pagkakataon ito pa lang ang nag-iisang babae na nagpakilig sa kanya at hindi lang libog ang nararamdaman n'ya para rito. S'ya ang tipo na pag gusto n'ya ay gagawa s'ya ng paraan ngunit pagdating kay Millen may pagkakataon na nagkakaroon s'ya ng pagdadalawang isip. Marahil dahil sa taglay na katapangan nito. Hindi man s'ya sigurado kung hanggang kailan at saan ang ganitong pakiramdam ngunit hindi s'ya magsasayang ng pagkakataon.

