"Nakakairita ang lalaking iyon, hayyys!" pabulong-bulong habang naglalakad si Millen. "Oh, sino ang kaaway at ang haba ng nguso mo?" tanong ni Celia nang mapansin ang magkasalubong na kilay ng kaibigan. "Look whose here," sagot n'ya sa kaibigan at nadako ang tingin nito sa parking lot. Nakita ni Diego ang pagtingin ni Celia rito kaya kumaway pa ang loko. "Ano ang ginawa ni Diego?" usisa ni Celia na hindi sinuklian ang ginawa ng binata bago ito tumalikod. Naglalakad na sila paakyat ng kanilang opisina kaya nagbubulong-bulungan na lang sila. "Mamaya sasabihin ko sa'yo pag-uwi. Kailangan sabay tayo." Pambibitin ni Millen. "No, now na. Hindi na ako makapaghintay pa ng mamaya." Sagot ni Celia. "Nagpunta s'ya rito para lang ipamukha sa akin na ang t**ga ko!" inis na sabi ni Millen. "Paa

