Naitaguyod naman ni Millen ang bawat araw na nagdaan na hindi nagpapaapekto sa mga nakapaligid sa kanya. Ginagawa pa rin n'ya ang ordinary routine n'ya sa trabaho kasama ang kaibigang si Celia at nagpasalamat s'ya na hindi na naulit pa ang pangungulit ni Diego sa kanya. Alas singko ng hapon araw ng biyernes ay nasa bahay na si Millen. Tinutulungan n'ya ang ina sa kusina samantala ang ama ay mamaya pa raw pupunta. "Nak, salamat dahil naiintindihan mo ang sitwasyon." Sabi ng na ang tinutukoy ay ang pagkakaunawaan nito at ng ama. "Kung ano ang makapagpapaligaya sa inyo ay susuportahan ko pero sana ay huwag na ulit kayong masaktan," madamdaming pahayag ng dalaga. "Oo sana nga. Tiwala naman ako na magiging okay lahat sa amin ng tatay mo," masayang sabi ni Marina. Patapos na silang magluto

