CHAPTER 6 Still Third Person POV Nang gabing iyon, sa ilalim ng tahimik na kalangitan at sa gitna ng malamig na simoy ng hangin, nagpatuloy ang pag-uusap nina Andreas at Klara. Bagamat magkaibang mundo ang pinagmulan nila, tila nagiging mas natural ang kanilang koneksyon habang tumatagal ang usapan. “Klara,” sabi ni Andreas, habang nakatayo sa tabi niya. Ang kanyang tinig ay seryoso ngunit malambing. “Alam mo ba kung gaano ka kahanga-hanga? Hindi lang dahil sa talento mo, kundi dahil sa lakas ng loob mong harapin ang lahat.” Napatingin si Klara sa kanya, nagtataka kung saan patungo ang sinasabi nito. “Bakit mo nasabi ‘yan?” tanong niya. “Dahil nakita ko kung paano mo dalhin ang sarili mo, kahit gaano kahirap ang sitwasyon,” sagot ni Andreas, bahagyang ngumiti. “You’re not just a perf

